EDITORYAL – Manmanan ang ruta ng mga teroristang ‘uhaw sa dugo’
March 5, 2007 | 12:00am
HANGGANG ngayon, hindi pa nahuhuli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang Indonesian terrorists na matagal na ring nagtatago sa Mindanao at kinukupkop ng mga teroristang Abu Sayyaf. At posibleng madagdagan pa ang dalawang Indonesian terrorists kung hindi magkakaroon ng masusing pagmamanman sa backdoor na paboritong daanan ng mga terorista. Ayon sa report, ang backdoor ang pinagdaanan nina Dulmatin at Umar Patek nang magtungo rito sa Pilipinas makaraang mambomba sa Bali, Indo nesia tatlong taon na ang nakararaan. Maraming Australians at Americans ang namatay sa pambobombang iyon.
Pero bago pa nakapasok sa bansa ang dalawang Indonesian terrorists, marami nang terrorists ang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pagdaan sa southern backdoor.
Umano’y sa backdoor din nagdaan ang teroristang si Rohman Fathur Al-Ghozi nang magtungo rito sa Pilipinas. Si Al-Ghozi umano ang gumawa ng bombang pinasabog sa LRT noong Dec. 30, 2000. Nahuli siya pero tumakas sa Camp Crame tatlong taon na ang nakararaan. Napatay siya makaraan ang isang buwan.
Patuloy ang pagbabanta ng mga terorista sa kabila na ang kumukupkop sa kanilang Sayyaf ay marami nang nalagas. Napatay na ang Abu Sayyaf leader na si Khadafy Janjalani subalit patuloy pa ring bumabangon para maghasik ng lagim.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng AFP na minomonitor nila ang umano’y mga JI terrorists na nakapasok sa bansa. Sa backdoor din umano nagdaan ang mga terorista. Hindi naman sinabi kung ilan ang mga teroristang nakapasok.
Nakapangangamba ang report na ito sapagkat maaari ngang makalusot ang terorista sapagkat ang mga baybaying dagat ng Pilipinas partikular sa backdoor sa South ang itinuturing na pinaka-"poor" kung ang pag-uusapan ay ang kaluwagan. Walang nagbabantay sa mga ito kaya naman malayang nakapapasok ang mga terorista mula sa Indonesia. Matatandaan na sa backdoor din nagdaan noon si Nur Misuari.
Kung mayroon mang dapat manmanan ang AFP ay walang iba kundi ang backdoor. Salaing mabuti ang ruta ng mga terorista para masigurong walang makalulusot. Hindi dapat makapasok ang mga "uhaw sa dugo!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest