^

PSN Opinyon

Ano ang anaphylaxis?

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
"GUSTO ko lamang pong itanong kung ano ang tinatawag na anaphylaxis. Nakamamatay po ba ito?" —Marlon Cruz ng BF Homes, Caloocan City

Salamat sa pagsulat mo Marlon.

Ang anaphylaxis ay ang tinatawag na allergic reaction. Kung magkakaron ng ganitong kalagayan ang bawat isa dapat na agad kumunsulta sa doctor. Ganitong pangyayari ay hindi dapat ipagwalambahala.

Kapag nagkaroon ng anaphylaxis, mahihirapan sa paghinga, bababa ang blood pressure, ang bibig at lalamunan ay mamamaga at maaaring mawalan ng malay. Maaaring ikamatay ang anaphylaxis.

Ang anaphylaxis ay mararanasan sa loob ng 15 minuto makaraang magkaroon ng contact sa allergen. Ang sintomas ay maaaring mawala sa loob ng ilang oras. Kapag naaagapan ang anaphylaxis, malaki ang pagkakataong maka-survive. Ang sinumang may sintomas ng anaphylaxis ay kinakailangang dalhin kaagad sa ospital. Hindi dapat ipagwalambahÿala ang sintomas ng anaphylaxis. At kahit na nawala na ang mga sintomas ng anaphylaxis nararapat pa ring manatili sa ospital ang pasyente.

Ginagamot ang anaphylaxis sa pamamagitan ng pag-iineksiyon ng epinephrine. Kaya ipinapayo sa sinuÿmang nakararanas ng severe allergic reaction, nararapat na magdala ng emergency dose ng epinephrine sa lahat ng oras.

ANAPHYLAXIS

CALOOCAN CITY

GANITONG

GINAGAMOT

KAPAG

KAYA

MAAARING

MARLON CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with