^

PSN Opinyon

Talamak ang illegal recruitment

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
AYON sa batas, dapat hanggang isang buwang suweldo lamang ang maaaring kolektahin ng isang recruitment agency bilang kabayaran sa kanilang serbisyo. Alam ng lahat ang batas na ito, ngunit bakit talamak pa rin ang sobra- sobrang paniningil ng mga agency sa mga OFW na pinaaalis nila?

Sa pag-aakala ng karamihan, ang illegal recruitment ay nangyayari lamang kung ang isang recruiter ay naniningil ng bayad ngunit hindi naman nakakaalis ang taong nagbayad. Totoo naman yan, ngunit maaari ring ituring na illegal recruitment kung ang placement fee ay hihigit pa sa isang buwan.

Halimbawa, may isang OFW na nagreklamo dahil siningil siya ng P20,000 bilang placement fee, kahit $200 lamang ang kanyang suweldo bilang DH. Sa exchange rate na $50, lalabas na P10,000 ang kanyang dapat bayaran, kayat lumalabas din na parang nagbayad na rin siya ng dalawang buwang placement fee.

Talaga nga kayang may kakayahan ang gobyerno na bantayan ang pagpatupad ng batas laban sa illegal recruitment? Sa totoo lang, may sapat na mga tao kaya ang gobyerno upang bantayan ang mga violators? Isa pa, hindi kaya nalalagyan ang mga enforcer ng batas na ito, kaya parang nakalulusot na rin ang mga naglalabag?

Ayon sa ulat ng isang OFW, nagreklamo raw siya sa POEA dahil nagbayad daw siya ng $1,000 sa isang recruiter, ngunit hindi naman daw siya nakaalis at hindi rin ibinalik ang pera sa kanya. Ang sabi daw sa kanya ng POEA, hindi na raw mahahabol ang recruiter, dahil nasa abroad na siya. Ganoon nga ba ang tamang sagot? Ano pa kaya ang silbi ng mga consul at labor attaché natin sa abroad, kung hindi na sila nakatutulong sa paghahanap ng mga tao sa labas?

Masama mang sabihin, parang nagiging normal na yata sa mga tao ang over-charging sa placement fee, dahil talamak na ito. Hindi ba normal lamang na gawing normal ang wastong pagpatupad nito? Kawawa naman ang mga victims kung hindi ito mailalagay sa ayos.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 AM. Mag email sa [email protected], text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515 at bumisita din kayo sa Our Father’s Coffee.

ALAM

ANO

AYON

ISANG

OUR FATHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with