^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Extra-judicial killings ay kailan ba matitigil?

-
MALAKI ang pagkukulang ni President Arroyo kung bakit hindi agad napagtuunan ng pansin ang mga nangyayaring extra-judicial killings sa bansa. Kinailangan pang ma-pressure ng ibang bansa para lamang magsagawa ng imbestigasyon sa pamamagitan ng Melo Commission. At kahit na may resulta na ang Melo Commission ayaw namang ihayag sa publiko. Pero dahil na-pressure nga ng United Nations investigator on Human Rights, inilabas din.

At hindi lamang imbestigador ng UN ang dismayado sa nangyayaring pagpatay sa mga akti-bista at mamamahayag sa Pilipinas kundi pati na rin si United States ambassador Kristie Kenney. Kung noon ay tahimik ang US sa mga nangyayaring extrajudicial killings sa Pilipinas, ngayon ay bina-sag na nila ang katahimikan. Salamat sa matapang na pag-iimbestiga ng UN sapagkat nagbigay ito ng inspirasyon sa US na ihayag din ang kanilang pagkadismaya sa nangyayaring patayan sa bansa.

Sa report ng Melo Commission, sangkot ang military sa mga nangyayaring pagpatay sa mga aktibista. Partikular na tinukoy si retired army Maj. Gen. Jovito Palparan na "utak" sa mga pagpatay. Sa bawat probinsiyang pagdestinuhan kay Palparan, maraming tumitimbuwang na mga aktibista at pinaghihinalaang leftist. Nang madestino si Palparan sa Oriental Mindoro, maraming pinaghi-hinalaang aktibista o komunista ang dinukot at pinatay. Maraming namatay sa Or. Mindoro na hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Sa mga nangyaring krimen ay walang ibang tinitingnan kundi ang klase ng pamumuno ni President Arroyo na hindi binibigyang pansin ang mga nangyayaring extrajudicial killings. Siya higit sa lahat ang binabatikos sa mga nangyayari na noon pang 2001 na umupo siya sa puwesto ay lumobo ang mga pagpatay sa mga aktibista at pinaghihinalaang leftists.

Nang magsalita si Ambassador Kenney sa isang pagtitipon noong isang araw, sinabi niyang dapat wakasan ng Philippine government ang mga nangyayaring pagpatay. Ang mahalaga raw ngayon ay kumilos ang gobyerno. Kailangan daw mag-imbestiga at saka iprosecute ang lahat ng responsible sa mga nangyayaring pagpatay.

Dapat kumilos si Mrs. Arroyo. Hindi ba biro ang mga nangyayaring pagpatay. Nababalita ang Pilipinas hindi sa magagandang bagay kundi sa mga malalagim na pagpatay.

AMBASSADOR KENNEY

HUMAN RIGHTS

JOVITO PALPARAN

KRISTIE KENNEY

MELO COMMISSION

NANGYAYARING

PAGPATAY

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with