Bakit patuloy ang Rodil Enterprises sa pag-upa sa I’des O’Racca?
March 2, 2007 | 12:00am
DAPAT rebisahing maigi ni DENR Sec. Angeles Reyes kung bakit patuloy ang upa ng Rodil Enterprises Co. Inc. sa I’des O’Racca building kahit na wala na silang legal personality sa Securities and Exchange Commission (SEC). Para sa kaalaman ni Sec. Reyes, Si Dir. Benito Cataran ng Company Registration and Monitoring Department ng SEC mismo ang nag-certify na ang Rodil Enterprises CO. Inc. ay na-revoke na ang certificate of registration noong July 2, 2003 pa.
Ang ibig sabihin ng certification ni Cataran, Sec. Reyes Sir, hindi na dapat gamitin ang kompanya sa anumang transaction, sa gobyerno man o sa labas. Pero hanggang sa ngayon, nakikialam pa ang Rodil Enterprises Co. Inc. sa I’des O’Racca building sa Binondo at sa anong karapatan? Kaya bunga sa nasa ilalim ng opisina niya ang Land Management Bureau (LMB) dapat, makialam si Sec. Reyes at arukin niya kung bakit gustong ipilit ng Rodil Enterprises na sila pa rin ang legal na umuupa sa naturang historical buiding eh maliwanag na wala na silang legal personality. O kaya singilin din ni Sec. Reyes ang P32 milyon na utang ng Rodil Enterprises Co. Inc. sa gobyerno. Hindi na kailangang mag- pataw ng buwis ang Arroyo govt. sa sambayanan. Ang gagawin lang nila ay singilin ang Rodil Enterprises at presto… may panggastos na sila, di ba mga suki?
At kung multo na ang Rodil Enterprises Co. Inc. nagtataka naman si Teresita Furaque, ang administrator at treasurer ng I’des O’Racca
tenants association kung bakit binigyan pa ng City Hall ng Maynila ng permit ito para i-renovate ang building. Sa pinirmahan kasi ng building official na si Saturnino Disu, magsagawa ang multong kompanya sa Rodil Enterprises ng renovation at additiona mezzanine sa building nga. Ang hindi lang maintindihan ni Furaque, bakit walang permit ang multong Rodil Enterprises mula sa National Historical Institute (NHI) para galawin ang building? Bilang historical buildinig kasi itong I’des O’Racca ay nasa ilalim din dapat ng pangangasiwa ng NHI. Bakit binale-wala ang NHI? At pati LMB ni Sec. Reyes ay nagsasawalang-kibo na rin sa problema kaya’t naniniwala si Furaque na may nasa likod ng multong Rodil Enterprises bunga sa mismong si Rep. Rudy Bacani ng 4th District ng Maynila ang lumutang para pangalagaan ang kapakanan nila. Sa May elections na gaganti ang grupo ni Furaque at mga na-displace na hawkers doon sa building. He-he-he! Lintek lang ang walang ganti, ’yan ata ang nagngingitngit na babala ng mga tenants at hawkers ke Bacani.
Sa sobrang haba na ng awayan nitong mga tenants at Rodil Enterprises, eh umabot na sa Supreme Court ang sigalot nila. May order na i-award ang lease contract ng building sa mga tenants at pagkaraan ng ilang mga araw ay may hawak na naman na papel ang Rodil Enterprises na pabor naman sa kanila. Pero sa order ni Executive Secretary Alberto Romulo noong Sept. 16, 2002, maliwanag na ini-award ang lease contract nga sa grupo ni Furaque. May hawak din na decision ng Supreme Court ang tropa ni Furaque dated June 19, 1995 kung saan iniutos nito na final and executory na ang paglipat ng lease contract ng building sa grupo ni Furaque nga. Subalit mahigit 10 taon na eh hindi pa naipatupad ang Supreme Court ruling dahil pumapalag nga ang multo ng Rodil Enterprises, ani Furaque. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest