^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gastuserong kandidato parusahan nga kaya?

-
MARAMING nilalabag ang mga kandidato ukol sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo pero ang tanong ay maparusahan kaya sila gaya ng sinasabi ng Commission on Elections. Isang malaking HINDI ang aming maisasagot. Lalabag at lalabag ang mga kandidato sa ipinag-uutos ng Comelec subalit ni isa man sa kanila ay hindi makatitikim kahit saltik sa taynga. Walang magagawa ang Comelec kahit na sila pa ang pinaka-makapangyarihang tanggapan sa buong election period.

Isa sa minamatyagan ngayon ng Comelec ay ang mga gastuserong kandidato na walang habas kung gumastos sa kanilang kampanya kahit lampas na sa tinatakda ng batas. Sabi ng Comelec, parurusahan nila ang mga kandidatong gagastos nang sobra. Totoo kaya ito?

Kung magkakatotoo ang sinabi ng Comelec na parurusahan ang mga kandidatong sobra ang gastos, maaaring si administration candidate Prospero Pichay ang mauunang parusahan. Kasunod ni PiÑchay na malaking gumastos ay sina reelectionists senators Manuel Villar at Ralph Recto.

Ayon sa survey ng Nielsen Media Research Philippines (NMRP), gumastos na si Pichay ng P33 million para sa tv commercials samantalang si Villar ay P30.29 million at si Recto ay P22.79 million.

Kung ang pagbabasehan ay ang isinasaad sa Fair Election Act na dapat ay gagastos lamang ang kandidato ng P3 bawat kandidato, maaaring lampas na ang tatlong kandidato sa itinatakda ng Comelec. Sobra na ang kanilang nagagastos at mahigit dalawang buwan pa bago mag-election. Gaano karaming commercial pa sa tv, radyo at diyaryo ang kanilang gagawin na magbubuhos pa nang maraming pera?

Sabi ng Comelec ang mga kandidato na sosobra sa tinakdang gastos ay mapaparusahan ng anim na buwang pagkabilanggo, diskuwalipikasyon sa paghawak ng puwesto sa gobyerno at ang kanselasyon ng karapatang bumoto. Kaya ang hiling ng Comelec sa mga kandidato, mag-file ng financial statements 30 araw makalipas ang May 14 elections. Dito makikita kung sobra ang nagastos ng kandidato.

Hindi kami naniniwalang mapaparusahan ang mga kandidatong gastusero. Patuloy pang maglalabas ng pera ang mga kandidato at masasagad ang kanilang gastos. Balewala ang walang gulugod na Comelec.

AYON

COMELEC

FAIR ELECTION ACT

KANDIDATO

MANUEL VILLAR

NIELSEN MEDIA RESEARCH PHILIPPINES

PROSPERO PICHAY

RALPH RECTO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with