^

PSN Opinyon

Barangay chairman na police commander pa!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MERON hong isang barangay chairman diyan sa Blumentritt na buong akala ng mga kabarangay niya ay napakasipag at napakamatulungin dahil sa presinto na po ng pulis nag-oopisina kesa sa barangay hall niya sa tapat ng mga tindahan ng mga mangga.

Ang gawain ho ng barangay chairman na ito ay magpresenta na siya na lamang ang aayos ng kaso ng sinumang may problema sa mga pulis na kinatutuwa naman sa umpisa ng mga taga-Blumentritt. Ultimo kasi hindi taga-barangay niya ay kanyang tinutulungan.

Buong akala nga ng karamihan ay tinitiyak lamang ng barangay chairman ang panalo niya ngayong darating na Nobyembre kung saan magkakaruon ng halalan sa level ng barangay. Ang iba naman ang iniisip ay nais niyang maging konsehal ng Maynila at ang iba pang mas may magandang mga puso ay sinasabing mabait talaga si chairman.

Bilib na bilib ang karamihan at nagiging usap-usapan siya sa Blumentritt at karatig lugar ng Maynila. Marami ang humahanga hanggang sa minsang datnan niya ang isang constituents niya na may problema sa presinto.

Kinausap niya ang kanyang ka-barangay at gaya ng dati, nagprisinta siyang tutulong dito. Agad siyang nakipag-bulungan sa isang pulis sa naturang presinto at hinatak palabas ang kanyang constituents.

Binulungan niya ito na kayang ayusin ang kaso sa mga pulis pero may kapalit nga lamang na malaking halaga. Nang tinanong kung magkano ay sinabi niyang P25,000 ang hinihingi ng pulis na ikinagulat ng kabarangay niya.

Hindi nakatiis ang humihingi ng tulong at dineretsa ang magaling na chairman na bakit kesa bumaba ay tumaas pa ang halaga nang ayusan.

Ang buking na chairman, walang maisagot at sabay paalam muna at may gagawin daw sa barangay hall. Buking na kesa tumulong ay nais pang kumita.

Ngayon, mas nais pa ng karamihan na dumeretso sa pulis dahil hindi lang pala barangay chairman itong nagpapaka-santong ito kung hindi kotong cops pa na dinadaig ang mga pulis.

Sino siya, clue, kapangalan niya ang isang sikat na billiard player. Gets n’yo na!!!
* * *
Lubos ho akong nag-aalala sa mga kinikilos ng Malacañang lalo na pagdating sa mga salita nila tungkol sa ekonomiya. Pinagpipilitan nila sa pamumuno ni Presidential Chief of Staff Joey Salceda sa economics student pa naman ni Madam Senyora Donya Gloria na umuunlad ang ating ekonomiya.

Dami nilang figures na binibigay tungkol sa growth daw natin at lagi pa nilang hinihirit ang pag-angat ng piso kontra dolyar.

Hindi ho ako ekonomista gaya ni Madam Senyora Donya Gloria pero ang mga katanungan lamang na nais kong itanong ay mas maunlad ba ang buhay ng masang Pilipino sa panahon ng kasalukuyang administrasyon?

Mas marami ba ang Pinoy na may trabaho ngayon at ang mga nagsipagtapos ba sa kolehiyo ay nakakakita ng akmang trabaho sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria?

Kung talagang maraming trabaho sa ating ngayon, bakit dumarami ang nais lumayas sa ating bansa kahit na kakarampot ang suweldo sa ibang bansa gaya ng ating mga mahal na guro na maraming pumapasok sa Hong Kong at Singapore upang maging domestic helper?

Kahit ho hindi ako aral sa ibang bansa gaya ni Madam Senyora Donya Gloria, alam ko ang mga kasagutan sa aking tanong at malinaw na papahirap ang buhay ng bawa’t isa sa ating mga kababayan maliban na lamang sa mga kapartido, kapuso, kapamilya, karancho, kapatid, kamag-anak, kakampi, kasabwat at sipsip ng Malacañang.

Hindi rin ho ako financial wizard gaya ni si Salceda na principal author sa house of congress ng Expanded-Value Added Tax at partner ni Sen. Ralph Recto na may-akda ng naturang batas sa senado pero malinaw na kaya gumaganda ang takbo ng piso kontra dolyar ay dahil sa laki ng halagang pinadadala ng ating mga overseas Filipino workers sa kanilang mga kamag-anak.

Pati credit sa mga OFWs ninanakaw at inaagaw ng Malacañang. Akala ko ang mga OFWs ang modern day heroes?

Para silang mga propagandist ni Adolf Hitler noon na sa daming beses nilang sinasabi ang kanilang kasinungalingan ay pinaniniwalaan na nila.

Problema lamang nila, hindi maitatago ang pagkalam ng sikmura, ang kakulangan ng tahanan at damit at higit sa lahat ang kasalatan ng kinabukasan ng sambayanan dahil sa patuloy na panloloko, pandaraya, pagsisinungaling at pagnanakaw ng administrasyong ni hindi na nakatunton sa lupa.
* * *
Naglakad ho ako sa Blumentritt noong Martes ng gabi at personal kongg nakita ang mga nagtitinda ng gulay na gayat o hiwa na nag-aayos ng kanilang paninda para sa umaga.

Super sipag ang mga taong ito na hindi natin masasabing mga tamad kung hindi kulang lamang sa oportunidad. Gaya nang maraming mga vendors, pedicab drivers at iba pang mga naghahanap buhay sa Blumentritt, sila ay patuloy na ginagawang gatasan ng mga walang awa at budhing mga pulis.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BARANGAY

BLUMENTRITT

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with