Ibinida ni Malabon-Navotas Rep. Ricky Sandoval sa isang kapihan ang kanyang dream sa mamamayan ng Navotas.
Paninira lamang ang ipinakakalat ng mga kritiko ni Ricky na kapag naging siyudad na ang Navotas ay magtataasan ang payment sa real properties, business at iba pang local taxes ng lahat ng negosyante o people from the said place.
Sabi ni Ricky, puwede pang ibaba ang local taxes ng susunod na mayor at konsehal kung gugustuhin nilang tulungan ang madlang people ng Navotas.
Waiting na lamang ang mamamayan ng Navotas at malapit na itong maging siyudad oras na nilagdaan ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo ang mga papeles para rito.
Approved na at ratified na sa Congress.
Sa pakiramdam ni Ricky sa unang linggo ng March pirmado na ito ni GMA at pagkatapos waiting again ng two weeks ang mga taga-Navotas para sa publication sa diyaryo at presto ganap na itong butas este mali batas pala.
Samantala, magtatakda ang Commission on Higher Education este on Election pala ng isang plebiscite sa people of Navotas para bumoto sila sa pagiging cityhood ng kanilang place.
May problema sabi ni Ricky, magiging mahirap na isabay sa campaign period ang plebiscite. Ang official campaign period sa local election ay mag-uumpisa sa March 30.
Kasabay ng Navotas cityhood ay ang paghihiwalay ng distrito ng Navotas at Malabon at pagkakaroon ng sariling kinatawan sa Kongreso. Magaganap ang plebiscite depende sa idedeklarang petsa ng Comelec.
Kung naging mas maaga at inaprubahan ng Senado ang panukala ni Sandoval sa naunang nilalaman ng Navotas Charter ay malamang na magkaroon na sana ng sariling kongresista ang Navotas sa year 2007.
Pero nagkaroon nga kasi ng pagkaantala dahil naging masalimuot ang proseso sa bicameral hearing ang nasabing probisyon .
Hintayin na lamang ang desisyon ng Come-lec sa itatakdang petsa ng plebiscite at doon nakasalalay kung sa year 2007 o 2010 na magkakaroon ng hiwalay na kongresista ang Navotas.
Mayroong sapat na pondong inilaan ang Sangguniang Bayan ng Navotas na nagkakahalaga ng P7 milyon.
Ayon kay Sandoval, sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Kongresista ng Malabon-Navotas, isang malaking karangalan para sa kanya at isang legacy sa kanyang buhay ang pagiging siyudad ng Malabon at Navotas sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng mga machong may katawan este mali congressman pala.
Kamote ano pa ang masasabi mo?