^

PSN Opinyon

Hilong talilong na ang mga kalaban ni Rene Quiapon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG saan man naroroon ang dating mayor ng Ligao City, Albay na si Jose Quiapon Sr. tiyak matutuwa siya kapag nalaman niyang bubuhayin ng kanyang apo na si Rene Quiapon ang pangalan niya sa larangan ng pulitika. Ang matandang Quiapon kasi mga suki, ang tinaguriang ‘‘The most clean and orderly administration sa Ligao City mula noong panahon pa ng kupong-kupong. Hindi na natumbasan man lang ng mga nauna at nagdaang mga mayor ng Ligao ang mga accomplishments niya. Kaya nang yumao si Quiapon Sr., aba wala ring pumangahas sa mga anak niya na sundan ang yapak niya sa pulitika.

Pero sa May elections, tumayo nga si Rene Quiapon para ituloy ang mga pangarap ng kanyang lolo na serbisyuhan ang kapwa niya Ligaowenos nga. At maaga pa lang, nangako si Rene Quiapon na hihigitan niya ang ginawa ng lolo niya para maiahon naman ang kabuhayan ng Ligaowenos, lalo na ’yaong nasa rural areas. Kaya wala nang makahaharang pa sa kandidatura ni Rene General Quiapon o RGQ bilang mayor ng Ligao sa Mayo.

Ang RGQ na slogan ni Quiapon ay nangangahu- lugan ring ‘‘Rural Growth is our Quest!’’ Tugmang-tugma talaga sa adhikain niya! He-he-he! Mukhang may kalalagyan ang kalaban ng batang Quiapon bunga sa maganda ang acceptance rating niya sa ilang linggo niyang paglilibot sa Ligao, di ba mga suki?

Sino si Rene Quiapon? Para sa kaalaman n’yo mga suki, si Rene ay anak nina Bienvenido Monas-terial Quiapon at Maria Gonzaga General. Ipinanganak siya noong Nov. 20, 1952 sa Tuburan, Ligao City. Nagtapos ng elementarya sa Ligao West Central Elem. School at High School sa Mayon High School. Nagtapos siya ng vocational course sa Legaspi Tech. School bago siya tumulak sa Maynila kung saan nagkatitulo siya ng Commerce at masters in Business Administra-tion sa Republican College. Si Rene ay kasalukuyang naninira-han sa San Lorenzo St. Barangay Guilid sa nasabing siyudad.

Bunsod ng pangarap niyang magsilbi sa bayan, si Rene Quia pon ay pumasok bilang pulis noong Abril 16, 1987. Sa kanyang panunungkulan, marami siyang naitalang accomplishments sa pakikibaka sa kriminalidad at katunayan naging recepient siya ng iba’t ibang awards at recognition ng PNP. Pero bunga sa nananalaytay sa mga ugat niya ang dugong pulitika, ninais ni Rene Quiapon na agahan ang pagretiro niya para paghandaan ang pagpasok niya sa pulitika. Ang katwiran kasi ni Rene, matapos niyang manungkulan ng mahigit 30 taon sa gobyerno, itong mga Ligaowenos naman ang kanyang paglilingkuran. Gusto kasi ni Rene na ang Ligaowenos naman ang makinabang sa mga angkin niyang talento at kakaya-han sa pag-manage ng negosyo, ekonomiya at mga personalidad nga. Ang suwerte ng taga-Ligao, no mga suki?

Simple lang ang vision ni RGQ. Nais niyang i-transform ang Ligao mula sa subsistence economy tungo sa vibrant market-oriented economy sa hakbanging itaas ang living standards tungo sa vibrant market-oriented economy sa hakbanging itaas ang living standards ng taga-Ligao. Itatayo rin niya ng magandang foundation ang siyudad at itataguyod ang produksiyon ng aqua-agricultural resources para umunlad lalo ang tourism industry ng Ligao nga. Sobrang dami talaga ng plano ni RGQ para sa Ligao, tiyak hilung-talilong na sa ngayon ang mga kalaban niya. Abangan!

LIGAO

LIGAO CITY

NIYA

QUIAPON

RENE

RENE QUIAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with