‘Rent-a-carnapped hulog sa BITAG!’
February 26, 2007 | 12:00am
Hindi na bago sa BITAG ang modus ng rent-a-carnapped o yung mga sasakyan na pinarerentahan ng mga pobreng may-ari sa mga rent a car companies.
Subalit ang hindi nila alam ang pagpaparenta nila ay katumbas lamang ng pinarerentahan nila sa mga carnapper, habang ang mga nasa likod ng ganitong modus ay maghahanap naman ng kanilang financier.
Hanggang sa mauuwi ito sa kasong carnap dahil ang kanilang sasakyan nauuwi sa mga sanglaan nang hindi nila nalalaman.
Nag-umpisa na noon, ngayon nagbunga na, kumbaga hindi nabago ito dahil nanganganak lang ang modus at isang ugat lang ang pinanggalingan. At ang bawat modus hindi pwedeng tawaging modus kung lumang tugtugin na, kaya laging sumasabay ito sa takbo ng panahon…
Ganito ang inilapit sa BITAG ng mga biktima na kapwa mga supplier ng mga sasakyan sa R-N-A rent a car.
Sa salaysay ng mga biktima, si Myla Marfal alyas Eva Garcia, ang direktang nagrerenta ng mga sasakyan sa may-ari ng R-N -A rent a car na si Eliseo Mancilla.
Madaling nakapaglalabas si Myla Marfal ng sasak-yan sa R-N-A rent a car dahil pinakikilala niya na siya ay konektado sa malalaking kumpanya maging sa mga five star hotel.
Subalit, lingid sa kanilang kaalaman ang kanilang sasakyan ay ipinapasa na umano ni Myla Marfal sa magkaibigang Ronnie Javier at Ferdinand Alejandrino, na siyang nagpapatubos ng mga sasakyan sa kawawang mga biktima.
Dito, sinubukan ng BITAG undercover na kontakin sina Javier at Alejandrino. Presto, nang marinig na dala namin ang pera, laptop at component, kapalit ng isang kotse, agad itong kumagat.
Dito pinagsanib ng BITAG ang pwersa ng District Intelligence and Investigation Division at Anti-Carnapping Task Force ng Quezon City Police District at nahulog sa BITAG ang mga suspek na sina Javier at Alejandrino.
Ikinanta ng dalawang kolokoy ang tatlong sasakyan na agad naming na-recover. Patuloy na tinututukan ng BITAG ang mga ganitong uri ng modus.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended