Kung tutuusin, maari isama ang 22% sa 53% na okey magpaalaga sa nurse na pinagdududahan ang competency. At ang pinagsamang 75% ay masasabing mga mamamayan na  kawawa naman  sanay sa mababang kalidad ng serbisyo.
Pasya ng US Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools na i-blacklist lahat ng 17,000 pumasa. Nag-leak kasi ang Test 3 at 5 sa ilang kolehiyo at review centers sa Manila at Baguio. At dahil sa tangkang pagtatakip, pag-recompute ng scores, at pagmamadaling panunumpa ng Professional Regulatory Commission, nadamay pati mga nag-exam sa Legazpi, Cebu at Davao. Gusto ng CGFNS, i-retake muna ng exam bago sila mag-visa screen sa June 2006 examinees na nais mag-America. Duda kasi sila sa kakayahan ng mga ito batay sa US standards, di tulad sa mga pumasa sa mga nauna o sumunod na exams. Kung tutuusin, karamihan ng mga ospital sa Pilipinas mismo ay ayaw i-hire ang taga-June 2006 dahil sa parehong pagdududa, batay sa local standards. Ganunpaman, tatlo sa bawat apat na Pilipino, magpapa-aruga sa kanila.
Maihahambing na rin ito marahil sa kahandaan ng Pilipino kumain sa restoran na walang sanitary inspection certificate. Katuwiran nila, hindi naman sila (lantaran) nagkakasakit; isip pa ng iba, kung oras mo, oras mo.
Sanay ang Pilipino sa mababang kalidad ng produkto o serbisyo: Reckless bus o jeepney drivers; mausok na tricycles; mura pero fake DVDs; mali-maling textbooks; palpak na teachers sa English, Math at Science; dininamitang isda; nakaw na cellphones; substandard na pabahay; putol-putol na linya ng kuryente, tubig, telepono o Internet.
Pati bulok na pamamahala sa gobyerno nakasa-nayan na: Pandaraya sa eleksiyon, pangungurakot sa kabang-bayan. Kaya bulok ang sistema.