^

PSN Opinyon

Sanay sa bulok

SAPOL - Jarius Bondoc -
LIMAMPU’T tatlong porsiyento ng Pilipino, ayon sa survey ng SWS, ay papayag magpaalaga sa mga pumasa sa dinayang June 2006 nursing board exams. Dalawampu’t-limang porsiyento lang ang magdududa sa kanilang kakayanan. At ang balanseng 22% ay walang opinyon.

Kung tutuusin, maari isama ang 22% sa 53% na okey magpaalaga sa nurse na pinagdududahan ang competency. At ang pinagsamang 75% ay masasabing mga mamamayan na — kawawa naman — sanay sa mababang kalidad ng serbisyo.

Pasya ng US Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools na i-blacklist lahat ng 17,000 pumasa. Nag-leak kasi ang Test 3 at 5 sa ilang kolehiyo at review centers sa Manila at Baguio. At dahil sa tangkang pagtatakip, pag-recompute ng scores, at pagmamadaling panunumpa ng Professional Regulatory Commission, nadamay pati mga nag-exam sa Legazpi, Cebu at Davao. Gusto ng CGFNS, i-retake muna ng exam bago sila mag-visa screen sa June 2006 examinees na nais mag-America. Duda kasi sila sa kakayahan ng mga ito batay sa US standards, di tulad sa mga pumasa sa mga nauna o sumunod na exams. Kung tutuusin, karamihan ng mga ospital sa Pilipinas mismo ay ayaw i-hire ang taga-June 2006 dahil sa parehong pagdududa, batay sa local standards. Ganunpaman, tatlo sa bawat apat na Pilipino, magpapa-aruga sa kanila.

Maihahambing na rin ito marahil sa kahandaan ng Pilipino kumain sa restoran na walang sanitary inspection certificate. Katuwiran nila, hindi naman sila (lantaran) nagkakasakit; isip pa ng iba, kung oras mo, oras mo.

Sanay ang Pilipino sa mababang kalidad ng produkto o serbisyo: Reckless bus o jeepney drivers; mausok na tricycles; mura pero fake DVDs; mali-maling textbooks; palpak na teachers sa English, Math at Science; dininamitang isda; nakaw na cellphones; substandard na pabahay; putol-putol na linya ng kuryente, tubig, telepono o Internet.

Pati bulok na pamamahala sa gobyerno nakasa-nayan na: Pandaraya sa eleksiyon, pangungurakot sa kabang-bayan. Kaya bulok ang sistema.
* * *
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:45 p.m., sa IBC-13.

ABANGAN

CEBU

GRADUATES OF FOREIGN NURSING SCHOOLS

LINAWIN NATIN

PILIPINO

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with