^

PSN Opinyon

Ang United Nations at ang Pilipinas

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
DAPAT makinig ang gobyerno sa ulat ng isang United Nations official na nagsabing may pananagutan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nangyaring extra-judicial killings sa ating bansa. Dapat harapin at sagutin ng gobyerno ang report na ito, sa halip na sabihin lamang ni Justice Secretary Raul Gonzalez na hindi naman daw expert si Alston, ang nasabing official, kung tungkol sa Pilipinas ang pag-uusapan. Kailan pa kaya ma-confirm itong si Gonzalez?

Totoong hindi expert si Alston tungkol sa Pilipinas, ngunit expert naman talaga siya tungkol sa human rights abuses, at isa siyang kilalang abogado sa New York, kahit pa man isa siyang dayuhan doon, dahil ipinanganak siya sa Australia. Dagdag pa diyan, isa siyang professor sa kilalang law college roon, at respetado siya sa United Nations, kaya siya kinuhang reporter.

Bagamat malinaw na si Alston lamang ang pinatatamaan ni Gonzalez, hindi rin mapagkaila na sa kanyang sinabi, ang talagang nainsulto niya ay ang kabuuan ng United Nations na nagpadala kay Alston. Pormal ang report ni Alston, kaya dapat ay pormal din ang sagot ng gobyerno sa usapang ito.

Bilang isa sa mga founders ng UN, dapat ay maging responsible ang gobyerno sa kanilang pagkilos sa loob ng international body na ito. Kapansin pansin din na nilabag ng gobyerno ang protocol ng UN, nang biglang nadeklara na lamang na si Hilario Davide na ang ating permanent representative doon, kahit hindi pa siya na confirm sa Commission on Appointments.

Dahil sa pagbastos kay Alston at dahil sa paglabag sa UN protocol, parang lumalabas na magulong kausap ang Pilipinas sa larangan ng multilateral diplomacy. Para lang mapagtakpan ang katotohanan, at para lang mapagbigyan ang isang kakampi ng Palasyo, parang sinira na ng gobyerno ang magandang pangalan ng Pilipinas sa samahan ng UN.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected], mag-text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com at tumawag sa 5267522 at 5267515.

ALSTON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAGAMAT

GONZALEZ

HILARIO DAVIDE

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

NEW YORK

PILIPINAS

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with