^

PSN Opinyon

Sr. Supt. Magtanggol Gatdula kailan mo pipitikin si Togo Francisco?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY katwirang magyabang ang jueteng lord na si Togo Francisco na bagyo siya kay QCPD director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula. Hanggang sa ngayon kasi, ni isang pitik ay hindi pa nakatitikim si Togo Francisco kay Gatdula kaya’t marami na ang naniniwala na may cash-unduan na sila. Paano maipaliliwanag ni Gatdula na mali ang kinakalat ni Togo Francisco na abot-langit ang timbre niya sa QCPD kung patuloy pa ang pananahimik niya sa jueteng nga? Kaya pala sunud-sunod ang high profile crimes tulad ng pag-ambush kay Abra Rep. Luis Bersamin at iba pa diyan sa poder ni Gatdula dahil abala ang mga tauhan niya sa pagkolekta ng intelihensiya sa jueteng ni Togo Francisco imbes na habulin ang mga kriminal. Pero huwag magtiwala si Togo Francisco na tuloy-tuloy na ang ligaya niya. Kasi nga, kapag nag-iba ang ihip ng hangin baka biglang ipasara ni Gatdula ang negosyo niya tulad ng ginawa niya ng bagong upo siya sa puwesto.

Kung ayaw galawin ni Gatdula ang jueteng ni Togo Francisco, subukan naman nating hamunin si CIDG director Dir. Ed Doromal bunga sa may mandate rin siya laban sa illegal na sugal. Sa bibig mismo ni Togo Francisco kasi namumutawi na pasok din siya sa opisina ni Doromal at may alam diyan ang bagman niya na si Baby Marcelo. Para sa kaalaman ni Doromal, hindi lang dapat si Togo Francisco ang habulin ng bagman niya na si Baby Marcelo kundi maging ang mga operator din ng video karera na sina Danny Santos, Rolly Hernandez at Buboy Go. Ang video karera ni Danny Santos Gen. Doromal Sir ay matatagpuan sa sakop ng Stations 3 at 4, ang kay Rolly Hernandez sa Station 6 at 9, at sa Stations 1 at 2 naman ang kay Buboy Go. Si Doromal kaya ay tulad din ni Gatdula na malapagong kumilos kung jueteng ni Togo Francisco ang pag-uusapan?

Gan’un din kaya kabagal kumilos si Chief Supt. Geary Barias ng DIDM at Task Force Anti-Gambling ng PNP? He-he-he! Kapag may laman pala sa bulsa ang mga heneral sa PNP madali silang makalimot sa sinumpaan nilang public service. Kung sabagay, hindi lang si Togo Francisco ang bagyo sa kapulisan bunga sa lingguhang intelihensiya niya. Puwede ring isama sa listahan si Peter Serno, ang operator ng jueteng at video karera sa Valenzuela City. Paano masasawata ng mga hepe ng pulisya na sina Supt. Billy Beltran at Chief Supt. Pedro Tango ang jueteng ni Peter Serno eh abot sa buwan ang pagsisigaw nito sa kamag-anak niya si Mayor Sherwin Gatchalian? Uubra ba ang kamandag nina Tango at Beltran kay Serno? Kahit asawa pa ni Tango, hindi kayang banggain tiyak si Peter Serno na ang dummy sa video karera operations niya ay si Rey Recto. Anong sey n’yo mga suki diyan sa Valenzuela City?

Idagdag ko na sa mga untouchable na jueteng operator na si Bong Villafuerte ng Camarines Sur. Tiyak lalong naging bagyo si Bong Villafuerte sa ngayon dahil lalong lumakas ang pader na kinasasandalan niya sa katauhan ni Presidential son Dato Arroyo. Itong batang Arroyo kasi ay tatakbo bilang congressman sa isang dis trito ng Camarines Sur at tiyak naging kaalyado na ito ng pamilya Villafuerte. Lumakas lalo ang hangin sa ulo ni Bong Villafuerte. Kung bukas na bukas ang jueteng nina Togo Francisco, Peter Serno at Bong Villafuerte, tama lang ang panawagan ni Sen. Ping Lacson na gagana ang jueteng money sa darating na elections. Abangan!

BONG VILLAFUERTE

FRANCISCO

GATDULA

JUETENG

NIYA

TOGO

TOGO FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with