Lords money aarangkada sa election
February 22, 2007 | 12:00am
BABANTAYAN daw ng Philippine National Police ang mga gambling lords at drug lords dahil kinakabahan silang maaaring gamitin ng mga ito ang kanilang pitsa para sumoporta ang mga manok nilang kandidato ngayong May 2007 election.
Kayang-kaya raw ng mga lords na magpanalo ng kandidato ngayong election dahil sangdamukal ang pitsa nila.
Matindi raw ang operasyon ng mga jueteng lords sa buong kapuluan lalo na sa kabikulan. Naku ha?
Bakit ngayon lang nalaman ng mga baboy ito?
Matagal na ang operasyon hindi naman tumigil ang jueteng sa Pinas.
Lalo pa nga lumakas ang kubransa ng dayaan bolahan mula nang magkaroon ng balasahan sa katulisan este mali kapulisan pala.
Nagbingi-bingihan ang higher headquaters sa issue regarding jueteng. Bakit? Million of peso kasi ang usapan.
Hindi naman puwedeng mag-operate sa isang lugar ang illegal gambling kung alaws itong basbas sa mga pigoy at mga bugok sa LGU’s.
Malaki ang pasasalamat ng mga kuwago ng ORA MISMO at si PDEA Director Diony Santiago ang napili ni Prez GMA na sumugpo sa droga.
Kaya naman walang habas si Diony sa paghuli sa mga gagong drug lords at mga galamay nito.
Sabi nga, kalaboso roon, kalaboso rito.
"Bakit ngayon lang binulatlat ng PNP ang isyu regarding sa illegal gambling?" tanong ng kuwagong talunan sugarol.
"Mukhang praise release ang dating ng order," sagot ng kuwagong retired General.
"Sa totoo lang walang political will."
"Marami ang nakisawsaw malaking pitsa ang usapan sa jueteng," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May bagong butas este batas mabigat ang penalty sa patong, mananaya at nagpapataya."
"Kamote, tumigil kaya dahil may kampana este kampanya pala ang PNP sa mga kabaro nila?"
"Iyan lagapot ang tingnan natin"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended