^

PSN Opinyon

Pagpapalakas sa mga kolehiyo ng pamahalaan

- Al G. Pedroche -
KUNG sino mang mambabatas ang maluluklok sa Kongreso matapos ang eleksyon sa Mayo, ang isa sa dapat pagtuunang pansin ay ang pagdaragdag ng subsidiya hindi lang ng pamahalaan kundi lahat ng stakeholders sa mga state universities and colleges.

Nabasa ko na ito pala’y kasama sa platapormang isusulong ng dalawang kandidatong initsapuwera ng oposisyon at ngayo’y inampon ng administrasyon. Sina Ex-Senators Tessie Oreta at Tito Sotto. Aprub ako riyan. Sana huwag puro pangakong napapako ano?

Pero for now, bigyan natin ang dalawang comebacking former senators. Sabi ni Oreta, sa isang okasyon sa Cebu Normal College kamakailan, "We should maximize the value of partnership among stakeholders in education including parents, teachers and government".

Palagay ko, dapat ding isulong ang pantay na karapatan ng mayaman at mahirap para makapasok sa mga state universities tulad ng prestihiyosong University of the Philippines (UP). Lumalabas kasi na mas nakararaming mayayaman ang may oportunidad na makapasok sa UP. Kung totoo ito, parang nasisira ang diwa ng edukasyon para sa lahat. Paano na yung mga mahihirap pero matatalinong bata? Ito naman ang ipinaglalaban ni Tito Sotto na ang main concern ay paliitin ang agwat ng mahihirap at mayayaman.

Totoong dapat magbukas ng oportunidad ang gobyerno para lumawak ang pakikipagtuwang nito sa ibang sektor sa pagsusulong ng de kalidad na edukasyon lalu na sa kolehiyo. Kung gobyerno lang ang aasahan, di sapat ang budget. Pero hindi hadlang ang kakulangan ng resources ng gobyerno sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa mga state universities and colleges.

Balingan naman natin ang anti-poverty advocacy ni Sotto. Batay sa ulat ng National Statistics Coordination Board, ang pagkakaroon ng disenteng pamumuhay ay napakahirap para sa mga residente ng Kalakhang Maynila. Ang annual poverty ay naitala sa P18,856. Ito ay tumaas ng 6.3 porsyento, mula sa P17,737 noong 2004. Samakatuwid, ang pamlya na binubuo ng lima katao sa Maynila ay nangangailangan ng buwanang sahod na di kukulangin sa P7,854.

Ayon kay Sotto, kung isa lang ang nagtatrabaho sa pamilya, dapat siyang makapag- uwi ng P259. P154 para sa pagkain at P105 para sa ibang pangangailangan ng kanyang pamilya. Pero batay sa mga datos, ang taunang per capita income ay $1,463 o katumbas ng P6,475 buwanang kita. Kung tutuusin, kapos ang kita ng mga tao para mamuhay ng disente. Sige Tito Sotto, tingnan natin ang magagawa mo kapag nasa Senado ka nang muli.

CEBU NORMAL COLLEGE

KALAKHANG MAYNILA

NATIONAL STATISTICS COORDINATION BOARD

PERO

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with