^

PSN Opinyon

‘Killer nadakma!...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
DAHIL sa pagtitiwala ng mga taong nagpupunta sa aming tanggapan sa "CALVENTO FILES" at sa radio program namin ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez, ang "HUSTISYA PARA SA LAHAT", mga kasong tinampok at tinutukan, muli kaming naghahatid ng magandang balita.

Ang kasong tampok natin ay dalawang taong naghintay ang mag-asawang Jose at Loida Leuterio sa paghuli sa suspek na pumaslang sa kanilang anak na si Jowie ay nahuli ang isang mamamatay at ito ay dahil na rin sa tulong at pagpupursige ng aming tanggapan. Balikan natin ang kasong ito.

Ika-19 ng Disyembre, araw ng linggo nang yayain si Jowie ng kanyang mga kabigan na mag-inuman. Sa bahay ng kaibigan nitong si Nathaniel sila uminom kasama pa ang isang kaibigan na si Ian Roy. Katabi lamang ng mga Leuterio ang bahay nina Nathaniel. Bandang alas-9 ng gabi nang madaanan ni Jose ang kanyang anak na nakikipag-inuman kaya naman sinabihan nito ang asawa na tawagin na ang anak dahil may pasok pa ito kinabukasan.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay tinawag na ni Loida ang anak. Sinabi naman nito na susunod na siya at pagkatapos ay pumasok na ng bahay si Loida. Samantala narinig ni Jose ang boses ng anak na noon nakikipagkuwentuhan pa sa kanyang mga kaibigan. Ilang saglit lang ay nawala na ang mga ito.

Sa hindi kalayuang bahay ng mga Leuterio, may nag-iinuman ding nadaanan si Jose noong pauwi na siya ng bahay. Nang maramdaman ni Jose na wala na ang kanyang anak sa bahay nina Nathaniel ay agad niya itong pinasundan sa asawa.

Sumunod naman si Jowie sa kanyang ina. Magkasabay na umuwi ng bahay subalit ang hindi nila alam ay may isang lalaki ang nakaabang sa mag-ina. Naaninag naman si Loida ng isang lalaki na inakala nitong pag-uusyoso lang kaya hindi nito masyadong binigyan ng pansin.

Nagulat si Loida nang biglang nilapitan ng lalaking ito ang kanyang anak at pagkatapos ay sinaksak ito. Humingi agad ng saklolo si Loida upang madala sa ospital subalit binawian na rin ito ng buhay.

Samantala hindi naman mapalagay si Jose kaya naman naisipan nitong lumabas upang sundan ang kanyang mag-ina. Nakita na lang ni Jose na buhat-buhat na ang kanyang anak dahil may tama na ito ng saksak.

Ayon kay Loida, dayo lamang ang biktima na una nilang nakilala sa pangalang Robert Ursal. Nakursunadahan lamang ang anak niya nito hanggang sa nauwi sa paghahamon ng away. Matapos ang nangyaring insidente sa anak ay agad nilang inireport sa himpilan ng pulisya. Kasong homicide ang isinampa laban sa suspek pero lumabas sa resolution na murder ang kaso.

Lumabas ang warrant of arrest subalit nakapagtago na ang suspek. Gayunpaman, hindi naman nawalan ng pag-asa at panay ang dasal ng mag-asawang Loida at Jose. Nanawagan sila sa ating mga kababayan na tulungan sila na madakip ang suspek.

Dininig naman ng Diyos ang kanilang panalangin at nahuli na rin ang pumatay sa kanilang anak matapos ang dalawang taong pagtatago. Lubos ang pasasalamat nina Loida at Jose sa mga taong tumulong sa kanila na madakip ang suspek na ito. Sa pakikipagtulungan ng Leyte, Leyte Police Station at ng Valenzuela Police Station sa pamumuno ng kanilang Chief of Police Billy Beltran at sa mga tao nito na sina SPO4 Manolito Manalo, SPO3 Marcial Galang at SPO2 Rodrigo Parenas.

Para sa mga tagasubaybay ng aking column at tagapakinig ng aming programa huwag kayong mag-atubiling lumapit sa aming tanggapan. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig

E-mail address:
[email protected]

ANAK

JOSE

JOWIE

KANYANG

LOIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with