P32-M utang ng Rodil Enterprises sa gobyerno
February 21, 2007 | 12:00am
UMAABOT na pala sa 32 milyon ang utang nitong Rodil Enterprises Co. Inc. sa gobyerno. Ang ibig kong sabihin mga suki, panay singil nitong Rodil Enterprises sa mga miyembro ng I’Des Oracca Building Tenants Inc. subalit kakarampot lang ang nire-remit nito sa gobyerno nga. Tumatayo kasing leasee ng I’des Oracca Building na matatagpuan sa panulukan ng Echavez, Carmen Planas at M.D. Santos Streets itong Rodil Enterprises. Nagre-rent din sa kanila ang mga tenants nga.
Pero ayon kay Teresita Furaque, ang administrator at treasurer ng tenants association, hindi naman sila pumapaltos sa pagbabayad ng kanilang obligasyon sa Rodil Enterprises subalit hindi pala nito binabayaran ang gobyerno ni Pres. Arroyo. Saan napupunta ang perang ibinabayad nila? ’Yan ang katanungan ni Furaque na dapat sagutin hindi lang ng mga incorporators ng Rodil Enterprises kundi maging ng Land Management Bureau (MB) na nasa ilalim ng opisina ni DENR Sec. Angelo Reyes, he-he-he! Masalimuot talaga ang problemang ito!
Noong ’50 pa pala nagbabayad itong mga tenants sa Rodil Enterprises. Ayon kay Furaque, nagsimula silang magbayad ng P9,000 monthly sa Rodil Enterprises na ang renta naman na binabayaran sa LMB ng DENR ay P12,500 lamang. Kung noon ay umaabot sila sa 30 tenants, eh di maliwanag pa sa buwan na kaon itong Rodil Enterprises sa negosyong pinasok nito. Kaya lang bakit nagkautang pa itong Rodil Enterprises sa gobyerno eh sobra-sbra na ang kinita nila? Ano sa tingin n’yo mga suki?
Nagkahiwalay ng landas itong mga tenants at Rodil Enterprises noong 1987 kasi nga ang gusto ng huli ay itaas sa P50,000 ang renta nila kada buwan. Humantong nga sila sa Korte. Habang dinidinig ang kaso sa Manila RTC, itong mga tenants ay sa husgado nga nagbabayad ng renta. Kaya lang ang ipinagtataka pa ng tropa ni Furaque ay bakit na-withdraw ng Rodil En-terprises ang pera? Di ba dapat may green light ito ng hukom? Ang daming katanungan o gusot itong problema ng I’des Oracca Building, ano mga suki?
Teka nga pala, bago maging huli ang lahat, idagdg pa natin na may katibayan itong grupo ni Furaque na iisang resibo lang ang iniisyu ng Rodil Enterprises sa bayad nila ng renta.Eh di may pananagutan pa dapat itong Rodil Enterprises sa Bureau of Internal Revenue (BIR) di ba mga suki? Maliwanag na ang gusto lang nitong Rodil Enterprises ay pasok lang ng pasok ang salapi sa kanilang bulsa pero ayaw magbitaw lalo na sa pagbabayad ng tamang buwis. Lumili- taw rin na GINIGISA nitong Rodil Enterprises sa sariling mantika itong gobyerno ni Pres. Arroyo. Papayag kaya itong sina GMA at Sec. Reyes na habang panahon silang paiikutin nitong Rodil Enterprises na na-revoke na ang certificate of registration sa Securities and Exchange Commission (SEC) noon pang July 2, 2003 for non-compliance to reportorial requirements? Wala nang legal identity itong Rodil Enterprises na may Sec. No. 0000033809, ayon sa SEC Company Registration and Monitoring Department ni Dir. Benito Cataran.
Ang tanong ngayon, bakit pursigido pang i-renovate ng Rodil Enterprises sa tulong ni Rep. Rudy Bacani ng 4th District, itong I’des Oracca Building eh maliwanag na patay na ang kompanya nila? Dahil ba sa malaking halaga? Ang paliwanag ng Rodil Enterprises sa mga tenants, puwede namang buhaying muli ang kompanya.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest