^

PSN Opinyon

May itinatago ba ang rehimeng Arroyo?

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
DUMATING at umalis sa bansa ang team ng mga international human rights advocates sa pangunguna ni United Nations Special Rapporteur Philip Alston at marami ang umasa na sa wakas ay maliliwanagan ang lahat kung ano ang tunay na estado ng karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Arroyo.

Subalit, kasama ako sa nagulat at nagtaka nang kahit si Mr. Alston ay pinagkaitan ng Malacañang ng kopya ng report ng "Melo Commission" na mismong si Gng. Arroyo ang bumuo upang imbestigahan ang tila wala nang katapusang serye ng mga pagpatay sa kanyang mga kritiko simula nang maupo siya sa kapangyarihan noong 2001.

Dagdag pa, umani ng puna ang delegasyon ni Mr. Alston sa hanay ng mga administration supporters sa kanilang akusasyon na "bias" at "nabola" ng mga "komunista" ang nasabing grupo. Nakatatawang nakaiinis sa ganang akin.

Kaya nga ang aking tanong: May itinatago ba ang rehimeng Arroyo? Bakit tila gusto pa yatang gawing "state secret" ang kabuuang ulat ng Melo Commission, hindi lang sa mga Pilipino, bagkus, kahit sa international community?

Sa aking opinyon, lalo lamang tumitibay ang hinala ng mga pamilya ng mga biktima ng pamamaslang at iba pang sektor ng ating lipunan na hindi seryoso at isa lamang malaking palabas ang umano’y "commitment" ng Malacañang sa pagtataguyod ng karapatang pantao.

Nalulungkot ako na tulad ng itinagong katotohanan hinggil sa tunay na resulta ng halalan noong 2004, tila hindi na rin malalaman ng sambayanan ang tunay na estado ng karapatang pantao sa bansa sa ipinapakitang kawalang sinseridad ng administrasyon sa isyung ito.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building , Senate of the Philippines , CCP Compound, Pasay City.

vuukle comment

ANG DOKTORA NG MASA

MALACA

MELO COMMISSION

MR. ALSTON

PASAY CITY

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with