Hindi komo artista mahinang pulitiko
February 20, 2007 | 12:00am
NAKIKIUSAP sina Leo Martinez at Manuel Urbano Jr. sa mga kapwa artista na huwag nang lumahok sa pulitika. Katwiran nila: E kung sikat na celebrities na nga, ni hindi naman maayos ang showbiz, tapos papasok pa sa pulitika na maaring lumamon sa bagong-salta.
Naaarok ko ang punto de bista nina Martinez at Urbano. Kapwa sila dalubhasa at matalino. Si Urbano ay anak ni Manuel Conde, ang genius na actor-director na pioneer sa pelikulang Pilipino. Si Martinez, naka-walong ganap na sa Hollywood bilang actor o director, ay hepe ng Film Academy. Hindi nila minamaliit ang kakayahan ng kapwa entertainers. Hindi komo komedyante ay puro katatawanan lang ang laman ng utak; hindi komo action star ay puro lakas ng katawan lang ang taglay. Asam lang nila na ‘yung mga matitinong tao  taga-showbiz man o hindi  ang pumasok sa pulitika. Ayaw nila ‘yung mga gagamit lang ng kasikatan, kundi likas na talino, para manalo. Higit sa lahat, nais nila na lumahok ang mga artista sa mga isyung pang-industriya: halimbawa, pag-alis ng 30% tax sa sinehan, paglaki ng endowment sa quality films, o pagpapasikat ng sineng Pilipino.
Hindi komo artista, ibig sabihin na’y mahinang klaseng politiko. Bakit si action stars Ronald Reagan at Arnold Schwarzenegger ay naging mahusay na president ng America at governor ng California? Gan’un din ang musikero, sportsman o iba pang celebrity. Si pianist-conductor Vaclav Havel ay naging magaling na president ng Czechoslovakia; si footballer Gerald Ford ay nag-president ng America rin.
Sa gayun ding linya, hindi naman komo matinik na abogado o anak ng pulitiko ay nagiging mahusay na pinuno. Meron ngang gumagamit ng kaalaman sa abogasya o impluwensiya ng apelyido para sa kurakot.
Hindi sa propesyon nakukuha ang galing sa pulitika, kundi sa pagkatao. Kaya kung si Leo Martinez o Manuel Urbano Jr. ay makaisip na kumandidato, boluntaryo akong gagastos at mangangampanya sa kanila.
Lumiham sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am