Lumilitaw na road rage  pagbabarumbado sa manibela  ang pinagmulan ng gulo. Pero lumala ito nang “rumesbak†ang mga pulis na animo’y mga kanto-boy na napa-away, hindi law enforcers na tanod ng katahimikan. At dahil masama ang balak ng mga “rumesbakâ€ÂÂ, nagsitakbo sila nang may humintong newsman at kumuha ng video nila sa aktong ginagantihan naman ng panunutok si Barbers.
Kung totoong nambusabos si Barbers, ang dapat na ginawa ng pulis ay ini-radyo sa presinto ang insidente. Saka naman magtitimbre ang headquarters ng all-points bulletin para hanapin at harangin ang sasakyan sa buong probinsiya o rehiyon. Magtatayo ng checkpoints ang mobile units para mabitag si Barbers. At kung masabat na nga, sa tamang paraan nila ito pabababain ng sasakyan para kapkapan at hanapin ang baril. Sa tamang rules of engagement, naka-uniporme dapat ang mga haharang na pulis, hindi nakahubad ng pang-itaas na tulad ng nakunan ng video. At tututukan nila si Barbers para lamang hindi ito manlaban, hindi para manduro na ginagawa ng hubad na sangganong pulis sa video. Sa huli, idadala nila nang tama si Barbers sa presinto, at du’n kakasuhan ng grave threat at physical injuries. Maari ding violation of gun ban kung walang Comelec exemption, at illegal possession of firearm kung walang lisensiya.
Kung nagkataon, yupyop-tuhod sana si Barbers sa paghingi ng tawad at areglo. “Nakaganti†sana ang mga binusabos niya.