Ipinakalat ni Tunque ang mga still photos ng kan yang pakikipagtalik sa kanyang estudyante at dating girlfriend na si Colleen sa internet.
Sa mismong friendster account ni Colleen, inilagay niya ang mga malaswang litrato nila, kung saan malayang nakakapag-access ang mga kaibigan at kaklase ni Colleen.
Ayon sa isang dating estudyanteng babae ni Tunque na si Maria Fe, may pagka-manyakis daw talaga itong ‘‘bansot’’ na si Tunque.
Niyaya si Maria Fe na makipag-lodge sa kanya (as in makipag-motel daw sa kanya). Tinanggihan ito ni Maria Fe bagamat binigyan siya na grade na ‘‘Incomplete.’’
Naayos na lang ang problema niya kay Tunque nung nagbayad ito ng P300 para pambili raw ng pampalaglag sa Quiapo.
Marami ang mga naawang babaing estudyante ng URS sa ginawa ni Instructor Tunque sa pobreng estudyanteng si Colleen.
Dama namin sa BITAG ang pagkatulala ni Colleen, kinakailangan niya ng agarang counseling. Nabanggit ni Colleen sa babaeng BITAG investigator na laging sumasagi sa kanyang isipan ang magpakamatay.
Hindi na makalabas ng bagay si Colleen, laging napapraning kapag nakakakita siya ng mga taong nagtatawanan o di kaya nag-uusap-usap sa kanilang lugar.
Isang maliit na bayan lamang ang Baras, Rizal na ang pangunahing kabuhayan ay ang pagsasaka.
Nagsimula ang lahat ng ito nung matauhan si Colleen sa Kalagitnaan nung 2006. Gusto niyang magbagong buhay at tuldukan na ng kanyang pakikipagrelasyon kay Tungue.
Nagkamali ng akala si Colleen sa paniwalang naiintin dihan nitong manyakis na si Tunque. Kahit na patuloy na kinukumbinsi pa rin siyang magkabalikan sila.
Nung makita ni Tunque na desido na talaga si Colleen, dito pinasabog na ni Tunque ang bomba, ang pagpakalat ng mga sex photos nila sa internet.
Abangan ang huling karugtong at ang aksyong ginawa ng BITAG bilang tulong kay Colleen.