^

PSN Opinyon

EDITORYAL - OFWs sa Nigeria dapat i-monitor ng gobyerno

-
MAHIRAP maging overseas Filipino workers. Kung hindi minamaltrato ng amo, hindi sinusuwelduhan, ginagahasa at pinapatay ay nakikidnap din naman. Kagaya ng nangyayari sa kasalukuyan sa Nigeria, kung saan, paboritong kidnapin ang mga Pinoy. Noong January 20, 2007, kinidnap ng mga militanteng Nigerian ang 24 na Pinoy. Pinalaya na rin noong nakaraang linggo ang mga Pinoy at dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mahigit 3,000 Pinoys ang nagtatrabaho sa Nigeria. Karamihan sa kanila ay sa minahan ng langis nagtatrabaho. At sa kabila na sunud-sunod ang ginagawang pangingidnap, wala namang paraan na ginagawa ang gobyerno kung paano mabibigyan ng proteksiyon ang mga OFWs doon. Mabuti lamang ba kapag nagpapadala ng dollar ang mga OFWs?

Noong nakaraang taon, pitong Pinoy ang kinidnap ng mga militante pero pinalaya rin kaagad. Sa kabuuan, 121 katao na ang nakikidnap sa Nigeria. At sa pangingidnap sa mga Pinoy, walang hakbang ang gobyerno ng Pilipinas para mapagbawalan o mabigyan sila ng babala ang mga Pinoy workers doon. Kahit patuloy ang kidnapan, walang tigil ang pagre-recruit ng mga Pinoy workers para magtrabaho roon.

Hindi naman malilimutan ng 24 na Pinoy ang pangingidnap sa kanila ng mga sandatahang lalaki. Nagdadaan lamang umano ang Baco Liner 2, barkong pinagtatrabahuhan ng Pinoy sa baybayin ng Nigeria, nang biglang harangin ng mga militante. Ipinakita sa Cable News Network (CNN) kung pa-ano tinutukan sa ulo ang mga Pinoy. Isang pagkakamali ng mga Pinoy at raratratin sila hanggang sa mamatay. Pero kumilos ang gobyerno ng Nigeria at napalaya ang mga kinidnap.

Ang nananatiling hawak ng mga kidnappers (ibang grupo) ay ang mga Pilipinong sina Winston Helera at Josiebeth Faroozan. Si Helera, taga-Pinamalayan, Or. Mindoro at isang engineer ay kinidnap habang nagmamaneho patungo sa tra- baho. Ang kanyang escort na pulis ay napatay nang lumaban. H_anggang ngayon ay wala pang linaw kung ano na ang nangyari kay Helera.

Wala rin namang development sa kinidnap na si Faroozan.

Nagawang mapalaya ang 24 na hostages at magagawa rin ito sa dalawa pang biktima. Gumawa ng agarang pag-aksiyon ang gobyerno.

BACO LINER

CABLE NEWS NETWORK

FAROOZAN

JOSIEBETH FAROOZAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOONG JANUARY

PINOY

SI HELERA

WINSTON HELERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with