General Bataoil pang-NCRPO ang dating

MAGANDA at hindi biro ang mga accomplishments ni PNP Region 1 Director Leopoldo Bataoil pang-NCRPO na ang dating niya.

Ang kampo ni Bataoil, na tinaguriang ‘‘The Home of the Citizen Friendly Policeman and Protector of Human Rights,’’ ang napiling ‘‘Best Police Regional Office’’ noon ika-16th PNP Foundation Anniversary sa Camp Crame.

Ika nga, best of the best!

Ang kaharian ni Pol ay iba sa lahat ng PNP Regional Office sa buong kapuluan dahil nakatutok sila at hindi natutulog sa 4-points program ng kanilang among si PNP Chief Oscar Cal- deron tulad ng Anti-Crime, Anti-Insurgency, Anti-Terrorism at Internal Reforms.

Ang hindi malilimutang mga interception ng mga tauhan ni Pol sa kanilang jurisdiction ay ang pagkahuli sa isang toneladang pinatuyong dahon ng marijuana sa La Union, eradication ng limang marijuana plantations sa triboundaries ng La Union, Ilocos Sur at Benguet. P174 million lang naman ang worth ng kanilang huli.

Huli rin nina Pol ang two notorious suspects na sina Wilmalyn Madino Alacdis, 23 at Juliet Daguasi Pagaden, 45, mga tinagurian Marijuana Queens, nasupot sila sa isang buy bust operation sa Barangay Ipet, Sudipen, La Union.

Isa pa sa accomplishment ni Pol ay ang unique counter — insurgency program nila.

Sabi nga, winning the war without firing a single shot!

Thirty two NPA returnees ang nagbalik-loob sa gobyerno dahil kay Pol.

Umabot sa 1129 most wanted sa PRO1 ang nalambat ng mga tauhan ni Pol kaya naman may P2.6 million ang reward na nakuha ng kanilang mga asset.

Ika nga, crime solution 97.57 percent.

Sangkatutak pa ang accomplishments ni Pol kung ikukuwento ng Chief Kuwago tiyak kapos ang kanyang column.

‘‘Mas matindi ang huli ni Pol the other day,’’ anang kuwagong retired judge.

‘‘Top brass ng CPP-NPA ang nasilat nila sa La Union,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Magaling si Pol alam ito sa higher headquarters.

‘‘Kung ganoon puwede na si Pol sa NCRPO?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Tiyak siya na kapag nagkaroon ulit ng malawakang balasahan sa PNP’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Sangkatutak ang magre-retired’’

‘‘Ganoon ba kamote!"

Show comments