^

PSN Opinyon

Hindi lamang NCLEX ang problema ng Pinoy nurses

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
DAPAT ipagbunyi ng mga Pilipino na napiling testing site ang Pilipinas ng United Statesí National Commission for the Licensure Examination (NCLEX). Malaking tulong ito upang mabawasan ang mga balakid na makapagtrabaho ang mga Pilipino nurses sa America. Sa ngayon, ang isang nais na kumuha ng NCLEX ay kinakailangang pumunta pa sa US, Guam o di kaya naman sa mga authorized testing sites sa Hong Kong, Taiwan, South Korea, Japan, India, C_anada, London, Germany and Mexico.

Libong dolyar ang matitipid kung sa Pilipinas na lamang kukuha ng NCLEX test. Mabuti kung makapasa kaagad ng one-take ang isang kumukuha ng test, papaano kung bumagsak, di mangungutang na naman si tatay at si nanay upang itustos na muli sa pagbabalik sa US o saan mang testing sites para kumuha na naman ng NCLEX. Malaking gaan sa bulsa at katawan kapag sa Pilipinas na gaganapin ang NCLEX exam na ayon sa balita ay sisimulan na sa loob ng tatlong buwan.

Subalit, ang tungkol sa NCLEX ay isa lamang sa mga problema ng mga nangangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa lalo na sa US. Kailangang baguhin kaagad ng ating mga nursing schools ang sistema lalung-lalo na ang curriculum ng nursing course. Kung sa US magtatrabaho ang isang nurse, dapat pag-aralan ang theory at mga clinical practices sa US pati na ang pharmacology o mga ibaít ibang klase ng gamot na ginagamit sa mga sari-saring sakit sa Amerika. Maraming sakit sa US na hindi karaniwan sa Pilipinas at vice-versa.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit halos mahigit sa kalahati ng mga kumukuha ng NCLEX ay bumabagsak dahil ibang-iba ang ginagawa ng mga nurses sa US kaysa sa pinag-aralan ng mga nurses sa Pilipinas. Tandaan na ang mga tinatanong sa NCLEX ay batay sa tunay na ginagawa ng mga US nurses. Isa pang importanteng bagay, kaickólangang harapin ng mga nursing educators kung papaano maitataas ang English-proficiency o ang uri ng communication techniques ng kanilang nursing students.

Nais kong batiin ang grupo ni Dr. Dante Ang, chairman ng Commission ng Filipinos Overseas sa tagumpay na nakamtan ónila sa pagtatatag ng NCLEX sa Pilipinas. Sa ginawa nilang ito, hindi lamang mga nurses at kani-kanilang pamilya ang mga makiki_nabang kundi ang buong bansa at mamamayang Pilipino. Makatutulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya. Mabuhay!

DR. DANTE ANG

FILIPINOS OVERSEAS

GERMANY AND MEXICO

HONG KONG

LICENSURE EXAMINATION

MALAKING

NCLEX

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with