Global warming di inaaksiyunan
February 16, 2007 | 12:00am
SA AMERICA, si dating Vice President Al Gore na mismo ang nag-iingay tungkol sa global warming. Pero binabale-wala siya ni President George W. Bush, at tinutuya pa ng big-time industrialists na nagbubulaan kuno. Sa ibang parte ng mundo, malakas naman ang kilusan kontra sa pagtaas ng temperatura, pag-init ng karagatan, at paglusaw ng yelo sa Arctic at Antarctic poles. Sa Pilipinas  as usual  hindi naiintindihan ang isyu, kaya walang ginagawa ang gobyerno’t publiko para isalba ang mundo.
Ano ba ang global warming? Ang pag-init ng mundo ay dala ng sobrang pag-emit ng carbon dioxide sa mga pabrika, sasakyan at makina. Halimbawa nito ang paggamit ng coal sa power plants, at fuel sa tricycle, kotse, barko at eroplano. Kasabay nito, nakakalbo na ang kagubatan sa buong mundo dahil sa pagdami ng pabahay at komersiyo, at kumokonti ang mga puno na nagbubuga ng oxygen na hinihinga ng tao at hayop. Dahil sa kapal ng carbon dioxide, hindi na makalabas ang radiation mula sa araw na tumatama sa mundo. Ang radiation, bilang energy, ay mainit. Ang dinudulot nito ay ang pagkalusaw ng yelo sa frigid zones. Kapag nangyari ito, tataas ang dagat, maraming komunidad sa tabing dagat ang lulubog, daan-milyong tao ang mamamatay sa sakit, gutom, init at sakuna.
Pinirmahan ng maraming bansa, kabilang ang Pilipinas, ang Kyoto Protocol. Ibinawal ng international treaty na ito ang paggamit ng ilang uri ng kemikal na nakakalason sa hangin. Hinikayat din ang paglaban sa global warming na nagbubunsod na ngayon ng super typhoons sa Asya, super hurricanes sa America, at super cyclones sa Europe.
Isang malaking aspeto sa Kyoto Protocol ay ang boluntaryong pagmulta sa mga bumubuga ng carbon dioxide. Sa Europe, halimbawa,. nagbabayad ang mga de-kotse ng katumbas ng P3,000 kada taon para magpatanim ng puno sa kokonting bakanteng lote. May incentives din para mag-solar at wind energy imbis na kuryenteng galing sa coal at diesel power plant. Sa Pilipinas, ipinasa ang Clean Air Act nu’n pang 1999, pero hindi alam ng madla ang mga detalye; halimbawa, kontra sa pagsisiga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest