Pulitika, masdan ang ginawa mo
February 15, 2007 | 12:00am
ANG pulitika kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod lamang ito. Parang katulad ito ng sinabi ng makatang si Francisco Balagtas. Ganito talaga ang nangyayari sa mga pulitiko ngayon. Nawawala na sa kanila ang magandang asal at ang pinananaig ay ang pansariling kapakanan. Nakagugulat ito sapagkat ang mga Pilipino ay likas na magalang. Mahalaga rin sa atin ang utang na loob. Ibibigay ang lahat huwag lamang masira sa binitawang salita.
Marami nang kaugaliang Pilipino ang binago na ng panahon. Tumatambad sa ating paningin ang mga bagay na ito sa larangan ng pulitika. Halimbawa ay ang mga balitang nababasa at naririnig araw-araw.
Nariyan ang tungkol sa ginawang pagbaligtad nina dating senador Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta na lumayas sa oposisyon at lumipat sa administrasyon. Si Senate President Manny Villar at Sen. Kiko Pangilinan ay umiskapo sa administrasyon at nagtungo sa oposisyon.
Ang isa pang kontrobersiya ay tungkol sa mag-tiyahing Tessie Aquino-Oreta at Rep. Noynoy Aquino. Kontrobersiya rin si Rep. Alan Peter Cayetano ng oposisyon na pinaratangan ng corruption si First Gent Mike Arroyo. Ang kapatid ni Allan ay si Sen. Pia Cayetano na maka-administrasyon.
Natitiyak kong marami pang magaganap na hindi maganda at kanais-nais na pag-uugali dahil sa pulitika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended