Access pass ng legitimate media sa NAIA, iniipit!
February 13, 2007 | 12:00am
VALENTINE’S Day na tomorrow pero up to now ay dehins pa rin ibinibigay ang ID access pass ng mga legitimate media practitioner sa airport. Sabi nga, nakabitin pa!
Hindi maubos maisip ng mga legitimate media practitioner sa airport kung bakit hindi pa inilalabas ang kanilang ID’s gayun tapos na ito noong pang December 2006. Monthly pass ang ibinibigay sa mga taga-media para komober sa airport.
Marami kasing mga hao shiao na reporters ang nabigyan ng access pass kaya naglilinis ang MIAA tungkol dito. Sabi nga, salubong dito, salubong doon lang ang ginagawa.
Kailangan kasing linisin ng MIAA ang mga sinasabing hao shiao reporters sa airport ang ilan kasi sa mga ito ay makikita lamang sa paliparan kapag may salubong sila. Ika nga, pangsariling interes at hindi ng diyaryo? Umaangal naman ang mga legitimate reporters sa pamunuan ng MIAA dahil pati sila ang naapektuhan.
Ayon sa mga legitimate media practitioner kung may problema dapat resolbahin sa lalong madaling panahon ng MIAA. Importante kasi sa mga taga-media na mayroon silang access pass sa pagganap sa kanilang tungkulin para hindi sila maabala sa kanilang gustong puntahan pagdating sa coverage. Ang sabi ng isang official sa Media Affairs Division, sa unang linggo ng March ay ilalabas ng Pass Control Office ang access pass ng mga legitimate media practitioner.
Ayon naman sa Pass Control Office, basbas lang ang kanilang kailangan para i-release ang media ID’s.
‘‘Ano ba ang problema at ayaw i-release ang media ID’s?’’ tanong ng kuwagong hao shiao.
‘‘Dapat daw kasing salain nang husto ang media sa airport bago ilabas ang kanilang ID’s,’’ sagot ng kuwagong urot.
‘‘Matatagal na ang ilang reporters sa airport kaya imposibleng up to now ay wala pa silang tiwala sa mga ito,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘‘Hindi naman sila ang sinasabi ko.’’
‘‘Sino?’’
‘‘Kamote alam ng mga reporter iyan at taga-airport.’’
‘‘Ang alin ang mga legitimate?’’
‘‘Hindi ang mga kamote, he-he-he!’’

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest