Kapansin-pansin sa lugar ang mga tambay na may hawak na tabo para doon ilagay ang mga barya at perang kanilang hinihingi sa mga motoristang na papadaan sa lugar.
Dito nagka-interes ang BITAG at agad na sinilip ng mga BITAG surveillance team ang nasabing lugar.
Kumpirmado ang mga reklamong ipinaabot sa BITAG at sa magkabilang lane pa ng kalsada lantaran ang kanilang pangongotong.
Nadiskubre ng BITAG na apat na barangay ang nakakasakop sa riles ng tren sa P. Margal.
Napansin din ng BITAG na wala man lang stop, look and listen na karatula na nagbibigay ng babala at harang na dapat ibinababa oras na may dumaang tren.
Dito pinuntahan ng BITAG si Bgy. Chairman Reynaldo Andaya ng Bgy. 474 Zone 47. Pero sa nakita ng BITAG kay Chairman, wala siyang mabibigay na tulong at sa halip ay kinukunsinti pa ang pangongo- tong sa kanilang lugar.
Iniwan na lang ng BITAG si Chairman at agad na kinumpronta ang mga tambay na nanghihingi ng tong sa riles.
Pagkakita pa lang sa grupo ng BITAG agad ng kumaripas ng takbo ang nangongotong na tambay na nakilala na si Max Antilado.
Naliliwanagan ang BITAG sa kontrobersyal na ‘‘tong’’ nang makaharap namin ang isa pang Chairman na nakakasakop ng riles na si Carlito Buco.
Napag-alaman ng BITAG na napagkakakitaan ng mga tambay ang kanilang barangay dahil sa halip na trabaho ito ng mga tanod sila ang nakikinabang.
Hiniling na lamang ng BITAG na mag-usap ang apat na ba-rangay upang mag-tayo ng sarili nilang outpost na magbabantay sa riles upang maiwasan ang aksidente.
Mananatiling nakatutok ang BITAG sa gagawing aksyon ng apat na barangay sa nasabing lugar.