^

PSN Opinyon

Dapat magpaliwanag ang DOH

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NGAYONG araw na ito, isang "national public consul- tation" ang gagawin ng Department of Health sa isang hotel sa Pasig City upang alamin umano ang pulso ng bayan sa panukala nitong doblehin ang bilang ng mga dayuhang maysakit sa kidney na maoperahan sa Pilipinas.

Sa impormasyong aking nakalap, bahagi umano ang panukala ng mas malaking programa ng kasalukuyang administrasyon upang lalo pang mapalakas ang turismo sa ating bansa.

Sa kasalukuyan, limitado lamang sa 10 porsiyento ang bilang ng mga dayuhan na puwedeng mabigyan ng kidney transplant sa Pilipinas; sa panukala ng DOH, gagawin itong 20 porsiyento.

Sa mas simpleng salita, sa bawat 100 pasyente na kailangan ng kidney transplant, mula 10, gagawing 20 ang awtomatikong bilang ng mga pasyenteng dayuhan na puwedeng mabigyan ng bagong kidney na sabihin pa ay manggagaling sa malusog na pangangatawan ng ating mga kababayan.

At sa katotohanang ang mayorya ng mga kidney donor ngayon ay galing sa hanay ng mga mahihirap na kababayan na napipilitang ibenta kahit ang sarili nilang laman-loob upang may maipantawid gutom lamang, hindi ba masyado namang garapal ang "tourism program" na ito ng DOH at ang gobyernong Arroyo sa kabuuan?

Para sa akin, malaking insulto na para lamang "mapalakas" ang turismo ay nakahanda na tayong ikalakal sa literal na kahulugan ang katawan at laman-loob ng ating mga kababayan. Kaya nga, kahit tapos na ang pormal na sesyon ng Kongreso sa pagpasok ng election campaign period, ngayon pa lamang ay binabalaan ko na ang DOH na magpapatawag pa rin ako ng imbestigasyon kung hindi nila maipaliliwanag nang husto ang isyung ito.
* * *
Lumalabas ang aking kolum ng Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

DEPARTMENT OF HEALTH

DOKTORA NG MASA

KAYA

KONGRESO

PASAY CITY

PASIG CITY

PILIPINAS

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with