^

PSN Opinyon

Naisulat na katibayan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng P130,000 na pagkakautang ng mag-asawang Greg at Tessie mula kay Remy. Ayon kay Remy, ang halagang inutang ay sa pamamagitan ng isang promissory note kung saan si Rosie ay co-maker ng mag-asawa at sa interes na 5% kada buwan. Dagdag pa ni Remy na ang mag-asawa ay nagbabayad sa kanya ng interes dahil nagbibigay ang mga ito sa kanya ng P6,500 kada buwan mula January 1991 hanggang March 1994. Subalit sa sumunod na buwan ay hindi na nagbayad ang mag-asawa ng interes o ng halagang inutang. Samantala, sa sulat ni Tessie kay Remy, nagmakaawa ito na intindihin ni Remy ang hirap na kalagayan nilang mag-asawa sa pagbabayad ng buwanang 5% na interes sa inutang nilang P130,000.

At dahil patuloy ang mag-asawa sa hindi pagbabayad ng kanilang obligasyon, naghain ng reklamo si Remy laban sa mga ito upang mabayaran ang inutang at accrued interest at attorney’s fees. Bilang ebidensiya ng reklamo, isinumite ni Remy ang promissory note at ang sulat ni Tessie sa kanya upang patunayan na sumang-ayon ang mag-asawa sa pagbabayad ng buwanang interes. Inako man ng mag-asawa na nakatanggap nga sila ng P130,000 mula kay Remy, itinanggi naman ng mga ito ang interes. Iginiit ng mag-asawa na nagbabayad sila ng P6,500 kada buwan subalit ang halagang ito raw ay para sa pag-aayos ng halagang natanggap nila mula kay Remy para sa kanilang pamumuhunan dito bilang parte nito sa kita. Ayon pa sa mag-asawa, umabot na raw sa P123,000 ang kanilang naibayad.

Gayunpaman, pumabor ang Metropolitan Trial Court (MTC) kay Remy at inatasan sina Greg, Tessie at Rosie na bayaran si Remy ng P130,000 at accrued interest na 5% kada buwan mula April 1994 hanggang lubusang makapagbayad ng utang pati na attorney’s fees. Ang desisyong ito ay kinumpirma ng Regional Trial Court (RTC) at ng Court of Appeals (CA). Ngunit kinuwestIyun nina Greg at Tessie ang desisyon dahil nagkamali raw ang CA nang hindi nito inaplay ang Article 1956 ng Civil Code na nagsasabing hindi dapat magbayad ng interes kapag hindi ito naisulat at napagkasunduan ng mga partido. Tama ba sina Greg at Tessie?

MALI. Ang sulat ni Tessie kay Remy ay isang katibayan ng pagsang-ayon nilang mag-asawa sa pagbabayad ng buwanang interes, hirap man sa kanilang kalagayan. Samakatuwid, tama ang CA nang sumang-ayon ito sa naging desisyon ng RTC na si Remy ay may karapatan na mabayaran ng interes sa halagang inutang sa kanya. Ang napatunayang pangyayari ng mababang hukuman na kinumpirma ng CA ay matibay at konklusibo (Spouses Rustia vs. Rivera G.R. 156903, November 24, 2006).

ASAWA

GREG

INTERES

MAG

REMY

TESSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with