^

PSN Opinyon

Lapid, please, please, please

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
INIIMBITAHAN ng Manuel L. Quezon Memorial Lodge 262 ng Aurora ang lahat ng regular member ng The Free and Accepted Masons of the Philippines na dumalo sa kanilang installation ng newly elected at appointed officers sa March 24, 2007.

Si WB Fernando Arthur R. Yngente ang nahirang para umupo sa Oriental Chair, SW Jonald E Hernandez, JW Noel Dy Vedad, Treasurer Ariel G. Espinosa, Secretary Antonio Bolivar III, Auditor WB Romeo T. Chua, Chaplain WB Jesse P. Pimentel, Marshall Neil Dexter P. Tolentino, SD Juan A. Noveras, JD Romeo Q. Dacanay, Almoner Moises S. Dumandal, Lecturer Michael R. Pineda, SS Jovito D. Flores, JS Chamberlain A. Esmino, Organist Benedict P. Navarro at Tyler Ricardo R. Gutierrez.

Last Saturday, Feb. 3, successful ang naging installation ng mga bagong officials ng Laong-Laan 185 kabilang todits ang Chief Kuwago. Masayang isinalin ni WB Biong Garing ang kanyang trono kay incoming WB Sonny Regala.

Mabuhay ang lahat ng Mason sa Pinas!
* * *
Ang isyu, parang bata-batuta si Senador Lito Lapid nang mapanood ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa telebisyon the other day dahil parang mga bata itong nagmamakaawa kay Mayor Jojo ‘‘Rambotito’’ Binay na pagbigyan siya para matikman na maupo bilang mayor sa Makati City. Si Jojo, kasi ay halos two decades ng Mayor sa Makati. Ika nga dehins natalo sa collection este election pala.

Gusto ni lapida este mali Lapid pala na ibang putahe naman ang tikman ng taga-Makati. Sabi nga, lutong makaw este Kapampangan pala.

Inutusan pa ni Lito si Jojo na sa senatorial race na ito tumakbo para masolo niya ang Makati.

Hindi kinagat ni Jojo ang pang-uuto ni Lito kahit parang bata itong ngumangawa sa harapan ng TV camera nang magkita ang dalawa sa Senado.

Nang mapanood ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dalawa sa TV akala ng mga ito ay may shooting ng pelikula sa House of Senate.

‘‘Ano ang title ng pelikula?’’ tanong ng kuwagong stuntman.

‘‘Leon bolero este mali Guerrero pala meets Rambotito’’ sagot ng kuwagong manghuhulang laos.

Mas magandang title ‘‘sa akin ang Makati, sa’yo ang Pampanga,’’ nakabungisngis na sabi ng kuwagong mekeni abe.

"Kaya bang talunin ni Lito si Jojo sa Makati?’’ tanong ng kuwagong SPO10 sa Crame.

‘‘Yes! Kung pataasan ng height ang laban,’’ sagot ng kuwagong urot.

‘‘Hindi sa eleksyon,’’

‘‘Tiyak talo.’’

‘‘Sino si Lito?’’

‘‘Iyan Kamote ang itanong mo sa mga botante sa Makati.’’

ALMONER MOISES S

ARING

BIONG GARING

CHAMBERLAIN A

JOJO

LITO

MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with