EDITORYAL - Bilangguang butas-butas

ANG pagtakas ng mga bilanggo ay karaniwan na lamang ngayon. Kahit pa ang pinaka-guwardiyadong bilangguan ay nakalulusot ang mga inmate. Sa maniwala at sa hindi, kahit ang bilang- guan na nasa mismong Camp Crame ay nalulusutan pa rin. Nilalagari ang rehas na bakal at nakatatakas ang terorista, drug trafficker at iba pang masasamang-loob. Isang malaking katanungan kung paano naipasok ang lagari sa loob ng bilangguan.

Noong nakaraang linggo, tatlong pinaghihina laang bombers ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 45 iba pa ang nakatakas sa provincal jail ng North Cotabato. Dalawampu’t limang armadong kalalakihan ang sumalakay sa jail at binutas ang pader ng bilangguan. Ginamitan ng grenade launchers ang pader kaya lumikha ng butas na kasyang-kasya ang mga inmates. Hanggang ngayon, wala pang balita sa mga tumakas na terorista. Wala pa ring development ang pulisya kung nasaan na ang mga tumakas. Nangangapa sa dilim ang mga awtoridad. Sinibak na ni North Cotabato Emmanuel Piñol ang warden ng bilangguan na nagkataong pinsan niya. Humingi ng tawad si Piñol kay President Arroyo dahil sa kahiya-hiyang pagtakas ng mga suspected bombers.

Kahiya-hiya ang nangyayaring ito sa mga bilangguan. Tama lamang na sinibak ni Piñol ang kanyang pinsang warden. Ang mga walang silbi at inutil na warden ay hindi dapat pinatatawad. Dapat parusahan nang mabigat ang mga ganitong warden.

Inilalagay sa panganib ang taumbayan ng mga nangyayaring pagtakas ng mga bilanggo lalo pa at mga suspected bombers pa. Nakapagbibigay ng pangamba ang pagtakas ng tatlong bombers sapagkat maaaring magsagawa ang mga ito ng pambobomba. Ang tatlong nakatakas ay nahuli noon pang 2003 nang magsagawa ng pambobomba sa North Cotabato.

Corruption ang unang dahilan kung bakit pa- tuloy ang pagtakas ng mga bilanggo. Madaling matapalan ng pera ng mga bilanggo. Ikalawa ay ang mga dispalinghadong bilangguan, na madaling mapasabog ng grenade launcher. Ikatlo ay ang kakulangan ng guwardiya.

Dapat busisiin ang problemang ito.

Show comments