^

PSN Opinyon

‘Political butterflies’ at mga oportunista

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
"POLITICAL butterflies", at mga oportunista ang tawag sa mga pulitikong lumilipat ng partido. Habang palapit nang palapit ang eleksiyon patuloy ang paglipat ng mga kandidato.

Lumipat na sa partido ng administrasyon ang mga oposisyunistang sina dating senador Tito Sotto at Tessie Oreta. Pinaplantsa naman ang paglipat sa oposisyon nina Senators Manny Villar, Kiko Pangilinan, Ralph Recto at Joker Arroyo. May balitang magtatatag ng "third force" at dito lilipat ang ibang mga kandidato.

Dapat ipaliwanag ng mga kandidatong lilipat sa ibang partido kung bakit sila umalis sa kanilang partido. Hindi ‘yung basta na lamang silang magpapahayag na lumipat na sila o lilipat. Paano malalaman ng taumbayan na wala silang ginawang kawalanghiyaan kung wala silang paliwanag.

Delikado ang katayuan ng mga pulitikong nagbabago ng kanilang mga partido kung hindi magiging maliwanag sa taumbayan kung bakit sila lumilipat. Hindi nila dapat itago ang dahilan ng pag-alis sa kanilang partido.

Tutal naman, ang paliwanag ng kandidato ang magiging basehan kung tatanggapin siya ng mga botante –kung paniniwalaan ng taumbayan ang kanyang paliwanag.

Dapat nang matuto ang mga botanteng Pinoy sa pagpili ng mga iluluklok. Sa nangyayari ngayong lipatan nang lipatan, nawawala na ang tunay na layunin at kahalagahan ng mga partido. Kung binabalewala na rin lang ang mga partido, mabuti pa ngang tanggalin na lamang ito sa political system.

vuukle comment

DAPAT

JOKER ARROYO

KIKO PANGILINAN

KUNG

PARTIDO

RALPH RECTO

SENATORS MANNY VILLAR

TESSIE ORETA

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with