Report ng Melo Commission
February 6, 2007 | 12:00am
SA wakas ay natapos na ang imbestigasyong isinagawa ng Melo Commission na pinamumunuan ni dating SC justice, Jose Melo, hinggil sa mga hindi matapos-tapos na mga kaso ng pagpatay sa hanay ng mga militanteng grupo at mga kritiko ng gobyerno sa nakalipas na mahigit anim na taon.
Ang naturang insidente ay isa sa mga dahilan kung bakit mababa ngayon ang imahe ng ating bansa sa international community.
Ang akin lang ipinagtataka, bakit tila tulad ng "Mayuga Report" ay ayaw ding ibunyag ng Malacañang ang kabuuan report? Kung matandaan, ang huling nabanggit ay may kinalaman sa imbestigasyon hinggil sa insidente ng malawakang dayaan noong 2004 elections na kinasasangkutan hindi lamang ng mga opisyal ng kasalukuyang gobyerno, bagkus at higit pa, ay ng mga opisyal ng Sandatahang Lakas sa pangunguna ni chief of staff, General Hermogenes Esperon.
Sobra bang "sensitibo" ng nilalaman ng report ng Melo Commission kung kaya dapat ding itago ito sa ating mga kababayan? Para sa atin, hindi makatwiran na itago ang impormasyon sa isang demokratikong sistema ng pamahalaan kung saan ang karapatan sa kaalaman at impormasyon ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas.
Bukod dito, nagtataka ako dahil sa mga panayam ay inamin naman ni justice Melo na may mga opisyal ng AFP na dapat panagutin sa mga serye ng pamamaslang na anya ay kasama sa report ng kanyang komisyon. At ang bagay na ito (involvement of members of the military in extra-judicial killings), inamin na rin naman ni Gen. Esperon.
Sa ganitong sitwasyon, dapat pa bang "ibitin" ang ating mga kababayan?
Para sa akin, ang patuloy na paglilihim ng Malacañang sa buong nilalaman ng ulat ng Melo Commission ay hindi nakakatulong bagkus, lalo pa ngang gumagatong sa hinala ng ating mga kababayan na "lip service" lang o "papogi points" lang ni Mrs. Arroyo sa publiko at sa international community ang ipinangakong hustisya sa mga pamilya ng biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended