Naispatan ng joint patrol ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang 22 Chinese nung Okt. 21 habang nangingisda sa Balabac Isles. Sinubukan ng barko tumakas, pero nahuli ito sa may Mangsee. Lulan ng barko ang maraming buhay na isda, kabilang ang bawal na mameng, anim na drum ng dininamitang isda, at galon-galong formaldehyde. Kinasuhan sila sa Puerto Princesa ng poaching, possession of dynamited fish, at possession of endangered species.
Nag-petition for reinvestigation ang 22, denied ng court, nagpa-reconsider sila, denied uli. Nang itutuloy na ang trial, kay Gonzalez sila tumakbo para ipa-review ang kaso. Dali-dali naman niya ipinabasura ang kaso. Kasi raw sa labis na pagmamaliit sa mga kawani ng gobyerno malamang mali ang pagbasa ng Coast Guard sa coordinates at inakalang nasa Philippine waters ang barko maski nasa labas, at mahimala raw na Okt. 23 lang kinumpiska ang kontrabando at Okt. 25 inimbentaryo.
Pinalalabas niyang kriminal ang mga kawani. Sa totoo lang, may GPS (global positioning system) waypoints ang Coast Guard, at accurate ito sa pag-pinpoint ng location. Tsaka, talagang aabutin nang dalawang araw ang pagdala ng barko sa Puerto Princesa at pormal na pagkumpiska, saka dalawa pang araw para masusing maimbentaryo ang lulan.
Nilalait ni Gonzalez ang mga taga-Coast Guard at BFAR. Bakit?