^

PSN Opinyon

Niloloko si Luli A., nilalait ang kawani

SAPOL - Jarius Bondoc -
UGALI ba ni Justice Sec. Raul Gonzalez manloko? ’Yun kasi ang ginagawa niya kay presidential daughter Luli Arroyo. Tinawagan si Gonzalez ni Luli ukol sa balitang pinaaatras niya ang habla sa Chinese poachers sa Palawan at binanggit ang 30 nahuli sa Tubbataha nu’ng Disyembre. Pinangako ni Gonzalez na uusigin nang husto ang 30 – at sila lang. Itutuloy pa rin ang naunang utos niya sa prosecutor sa Palawan na bawiin ang demanda sa 22 Chinese na nahuli sa Mangsee Island nu’ng Oktubre. Iba naman daw kasi ang tinutukoy ni Luli. Hindi niya inintindi na ang nais ni Luli ay ipatupad ang batas laban sa lahat ng poachers – para ang kalikasan na mamanahin nilang kabataan ay mapanatiling mayabong.

Naispatan ng joint patrol ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang 22 Chinese nu’ng Okt. 21 habang nangingisda sa Balabac Isles. Sinubukan ng barko tumakas, pero nahuli ito sa may Mangsee. Lulan ng barko ang maraming buhay na isda, kabilang ang bawal na mameng, anim na drum ng dininamitang isda, at galon-galong formaldehyde. Kinasuhan sila sa Puerto Princesa ng poaching, possession of dynamited fish, at possession of endangered species.

Nag-petition for reinvestigation ang 22, denied ng court, nagpa-reconsider sila, denied uli. Nang itutuloy na ang trial, kay Gonzalez sila tumakbo para ipa-review ang kaso. Dali-dali naman niya ipinabasura ang kaso. Kasi raw – sa labis na pagmamaliit sa mga kawani ng gobyerno – malamang mali ang pagbasa ng Coast Guard sa coordinates at inakalang nasa Philippine waters ang barko maski nasa labas, at mahimala raw na Okt. 23 lang kinumpiska ang kontrabando at Okt. 25 inimbentaryo.

Pinalalabas niyang kriminal ang mga kawani. Sa totoo lang, may GPS (global positioning system) waypoints ang Coast Guard, at accurate ito sa pag-pinpoint ng location. Tsaka, talagang aabutin nang dalawang araw ang pagdala ng barko sa Puerto Princesa at pormal na pagkumpiska, saka dalawa pang araw para masusing maimbentaryo ang lulan.

Nilalait ni Gonzalez ang mga taga-Coast Guard at BFAR. Bakit?

vuukle comment

BALABAC ISLES

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

COAST GUARD

GONZALEZ

JUSTICE SEC

LULI

LULI ARROYO

MANGSEE ISLAND

OKT

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with