^

PSN Opinyon

Ebdane mababasa sa unang presscon

SAPOL - Jarius Bondoc -
SA UNANG press conference pa lang nu’ng Huwebes ni bagong Defense Secretary Hermogenes Ebdane, malilinang na kung saang direksiyon niya dadalhin ang militar. At ito’y maaring hindi kanais-nais sa Pilipinas at sa mga bansang kaalyado nito.

Dalawang malaking reporma ang nilunsad ng sinundan niyang si Secretary Avelino Cruz: Pagkubli sa militar sa hidwaang pulitika, at pag-angat ng kakayahan nito sa pamamagitan ng kagamitan at galing.

Sa unang reporma, tila babaliin ni Ebdane ang kasunduan ng Department of National Defense at Commission on Election. Ayon sa memorandum nila nu’ng Oktubre, bawal na sa sundalo na maghatid kahit saan ng ballot boxes, iba pang election paraphernalia, at resulta. Ni hindi puwedeng gamitin ang mga sasakyan, eroplano o barko ng AFP. Maari lang i-escort ng sundalo ang mga sasakyang inupahan ng Comelec. Lalong hindi na maari sa sundalo na mag-bodyguard sa kandidato, Comelec officials, o Boards of Election Inspectors. Paglabag na ang paggamit ng mga kampo sa eleksiyon, kasama ang pagbibilang o pagtatago ng mga balota.

Pero sa presscon, iginiit ni Ebdane na may exceptions sa kasunduan, at ‘yun ay kapag Comelec na mismo ang nag-utos sa militar na lumahok. Kung exceptions to the rule agad ang iniisip ni Ebdane ngayon pa lang, maghihinala ang madla na may masama siyang binabalak. Hindi pa man din niya naipapaliwanag ang naging papel sa eleksiyon nu’ng 2004, nang siya’y PNP chief, at ang pagkawala kay Virgilio "Hello Garci" Garcillano.

Sa ikalawang reporma, ni hindi binanggit ni Ebdane si predecessor Cruz sa pagtalakay sa Philippine Defense Program. Animo’y walang naging papel si Cruz sa malakihang pagsasanay ng mga sundalo at pagtanggap ng modernong ekuwipo mula sa America. Kung tutuusin nga, si Cruz ang pinaka-tiwalang DND chief ng mga Amerikano, ASEAN allies, at Australians dahil sa galing niya sa reporma. Kailangan ni Ebdane na matumbasan ang tiwalang iyon – hindi sa pagmamaliit kay Cruz kundi sa pagpapatuloy ng magandang sinimulan nito.

vuukle comment

BOARDS OF ELECTION INSPECTORS

COMELEC

CRUZ

DEFENSE SECRETARY HERMOGENES EBDANE

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EBDANE

HELLO GARCI

PHILIPPINE DEFENSE PROGRAM

SECRETARY AVELINO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with