Office of Ombudsman walang panahon sa nahuhuling red plate
February 5, 2007 | 12:00am
Bahagi na ang operasyon ng BITAG sa bawat taon ang kung tawagin namin ay "operation red plate". Ngayong taon ay muli naming ginawa subalit ibang estilo na ang ginamit ng BITAG.
Hindi na katulad noong nakaraang taon na kinokom-pronta ng BITAG ang mga nahuhuling ilang tiwaling empleyado ng gobyerno na gumagamit ng sasakyan ng gobyerno sa kanilang sariling kapritsuhan.
Halos isang linggong naglibot ang BITAG surveillance team sa hatinggabi sa Ka-Maynilaan para suyurin ang bawat sulok ng mga motel, ktv at ibat ibang lugar na paboritong puntahan ng mga gumagamit ng red plate.
Maraming nahulog sa surveillance cam ng BITAG sa isang linggong pag-susurveillance ng BITAG. Kaya naman ipinirisinta ng BITAG sa Ombudsman ang mga nahuling pulang plaka na may kasamang kumpletong detalye ng bawat nahuling red plate buhat sa Land Transportation Office.
Pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nangyayari sa inilapit namin sa tanggapn ng Ombudsman. Sinubukan din ng BITAG na tumawag para alamin kung ano na ang status pero ayon sa kanilang PIO wala pang panahon ang Ombudsman.
Mukhang nagkamali ang BITAG na ilapit sa tanggapan ng Ombudsman ang mga nahuhuling red plate user dahil wala pala silang panahon. Samantalang nung una lumapit ang BITAG sa kanilang tanggapan ay handa pa silang sumama sa gagawing panghuhuli ng BITAG. Kabaligtaran ng sinasabi ng kanilang PIO sa BITAG.
Hindi alam ng BITAG kung bakit ganito ang sagot ng PIO ng tanggapan ng Ombudsman mukhang hindi alam ang kanilang pinagsasabi.
Hindi hinuhusgahan ng BITAG ang opisina ng Ombudsman hinahayaan na naming ang publiko ang humusga sa kanilang gawain.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest