^

PSN Opinyon

Dayaan sa eleksyon

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
MAGANDA ang layunin ng mga amendment sa election law na payagan ang paggamit ng iba pang modernong teknolohiya at huwag gawing limitado lamang sa mga dating pamamaraan sa automation. Ang tanong ngayon, may panahon pa ba para ipatupad ito? Maganda rin ang layunin ni Senador Dick Gordon na magpatupad ng isang pilot area, ngunit dapat tiyakin muna na may panahon pa talaga at may pondo para maituloy ito.

Ang teknolohiya ay gawa lamang ng tao kaya sinasabi ko na kahit gaano pa ka-moderno ang paraan ng eleksyon, ay wala ring kuwenta ito kung madadaya lamang ang halalan dahil sa kagagawan din ng tao. Sa ngayon pa lang, hindi pa nababago ang pagdududa ng mga tao dahil sa nangyaring dayaan sa nakaraang eleksyon, at alam din ng lahat na hindi pa rin nagbabago ang pamunuan ng Comelec na puno pa rin ng pagdududa sa mata ng mga tao.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nasagot ang mga tanong ng mga tao sa mga pandarayang ginawa diumano ni Virgilio Garcillano, at kailan lang, marami ang nagtaka kung bakit si Sec. Hermogenes Ebdane ng DPWH ang tinalagang bagong kalihim ng DND samantalang alam naman ng lahat na siya ang protector ni Garcillano. May kinalaman kaya ang appointment ni Ebdane sa maaring maganap na pandaraya na naman sa eleksyon?

Bagamat mahalaga ang teknolohiya, huwag naman sana ito maging sanhi ng sobrang pag-asa ng mga tao na mawawala na ang pandaraya dahil sa modernong pamamaraan. Kung hindi tayo maging mapag-bantay, baka ang mangyari pa nga ay maging mabilis lang ang dayaan.

Ang demokrasya ay isang mahalagang institution na dapat mahalin at ipagtanggol nating lahat. Malaki ang tungkulin ng Palasyo na maibalik sana ng gobyerno ang tiwala ng mga tao sa proseso ng eleksyon, ngunit parang wala nang pag-asa na maibalik ang tiwalang ito kung may posibilidad pa rin na hindi mawawala ang dayaan.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected] at mag-text sa 09187903513.

BAGAMAT

COMELEC

EBDANE

GARCILLANO

HERMOGENES EBDANE

SENADOR DICK GORDON

TAO

VIRGILIO GARCILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with