Si Lolo at Lola
February 4, 2007 | 12:00am
Ngayon ay Pebrero at Bagong Taon na
Sa aming tahanan ay laging masaya;
Di kami mayaman at hindi rin dukha
Pero ang maganda kamiy sama-sama!
Tatlo ang pamilya sa iisang bahay
Pagkat bahay namin ay itaas at down;
Dalway sa taas isay sa baba naman
Kaya sa problema ay nagtutulungan!
Munting bahay namin ay dalwang palapag
Si Lolo at Lolay bumabat umakyat;
Kaya sariwa pa ang buto at balat
Mga tuhod namin ay wala ring lamat!
Si Lolo at Lola ay wala ring sakit
Pagkat mga anak ay magkakapanig;
At ang mga apo ay laging kalapit
Kung naglalaro nay sayang walang patid!
Kaya di totoong hindi magkasundo
Ang magkakapatid na magkakasuno;
Kung nagkakasakit ang sino mang apo
Ang ama at inay may ate at sangko!
Kung pinuproblemay pera at pagkain
Sa Poong Lumikhay laging manalangin;
Ang tulong ng anak tiyak na darating
Pagkat nasa abroad ang kanyang gawain!
Masaya ang buhay ng buong mag-anak
Kung magkakasama apot mga anak;
Si Lolot si Lolay parang nasa ulap
Sa ulan at bagyoy buo ang pangarap!
Sa mga pamilyang may lola at lolo
Narito ang payo ng pitak na ito:
Kung gustong humaba mga buhay ninyo
Huwag nyong ilayo ang anak at apo!
Ang apo ng tao ay anak nang anak
Dapat alagaang mabutit matapat;
Kung itoy lumaking sa aral ay sapat
Ang lolo at lolay maligayang ganap!
Sa aming tahanan ay laging masaya;
Di kami mayaman at hindi rin dukha
Pero ang maganda kamiy sama-sama!
Tatlo ang pamilya sa iisang bahay
Pagkat bahay namin ay itaas at down;
Dalway sa taas isay sa baba naman
Kaya sa problema ay nagtutulungan!
Munting bahay namin ay dalwang palapag
Si Lolo at Lolay bumabat umakyat;
Kaya sariwa pa ang buto at balat
Mga tuhod namin ay wala ring lamat!
Si Lolo at Lola ay wala ring sakit
Pagkat mga anak ay magkakapanig;
At ang mga apo ay laging kalapit
Kung naglalaro nay sayang walang patid!
Kaya di totoong hindi magkasundo
Ang magkakapatid na magkakasuno;
Kung nagkakasakit ang sino mang apo
Ang ama at inay may ate at sangko!
Kung pinuproblemay pera at pagkain
Sa Poong Lumikhay laging manalangin;
Ang tulong ng anak tiyak na darating
Pagkat nasa abroad ang kanyang gawain!
Masaya ang buhay ng buong mag-anak
Kung magkakasama apot mga anak;
Si Lolot si Lolay parang nasa ulap
Sa ulan at bagyoy buo ang pangarap!
Sa mga pamilyang may lola at lolo
Narito ang payo ng pitak na ito:
Kung gustong humaba mga buhay ninyo
Huwag nyong ilayo ang anak at apo!
Ang apo ng tao ay anak nang anak
Dapat alagaang mabutit matapat;
Kung itoy lumaking sa aral ay sapat
Ang lolo at lolay maligayang ganap!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended