Dynasty sa Senado
February 3, 2007 | 12:00am
MAYROON ba tayong batas laban sa political dynasty o wala? Akala ko ipinagbabawal na ito ng Konstitusyon. Yun pala sa loob mismo ng ating pinagpipitaganang Senado ay nakaambang magkaroon nito. Magkakamaganak na nanunungkulang senadores. Ano ba iyan! Ang sama na nga ng imahe ng Senado lalu pang madudungisan.
Naglantad na ng totoong kulay ang United (kuno) Opposition matapos ipahayag na sali sa kanilang senatorial ticket sina Alan Cayentano utol ni Sen Pia, JV Ejercito na utol ni Sen. Jinggoy na anak naman ni Sen. Loi, at si Koko Pimentel na anak ni Sen. Aquilino Pimentel. In fairness, ipuwera na natin sa usapan si Dra. Loi dahil hindi na yata siya tatakbo.
Si Koko ay talunang mayoralty candidate sa kanilang mismong lugar. Aba, dapat sigurong tawaging "Kamag-anak Incorporated" ang Senado kapag ang mga nanungkulang mambabatas ay kontrolado ng tatlong pamilya. Garapalan na ito.
Hindi ito personalan pero dapat ay naging maingat ang oposisyon sa pagpili ng mga kandidato lalu pat isinusuka na sa political system ang political dynasty. Taumbayan na kasi ang umaayaw diyan. Pinagmumulan kasi iyan ng korapsyon dahil bloke ng magkakamag-anak ang nasa kapangyarihan. Wika nga, absolute power corrupts. Sasabihin siguro nila "walang implementing law." Totoo, pero kung ang politikoy may konsensya, kusa na siyang iiwas patakbuhin ang kanyang sariling kaanak. Kung may konsensya at delikadesa.
Mind you ang membership ng Senado ay 24 lamang tapos ang anim sa kanila ay mula lamang sa tatlong pamilya. Nakataya ang kapakanan ng 90-milyong Pilipino! Pambihira. Iilang pamilya na nga lamang ang humahawak sa yaman ng bayan tapos pati ba naman pulitika at pagbuo ng mga batas ay isusuko sa iilang pamilya lang?
Noong araw, de-kalibre ang mga Senador. Iginagalang at tinitingala. Wala silang bahid ng personal na interes.
Iyan ang uri nina Recto, Tañada, Diokno, Roseller Lim, Sumulong just to name a few. Naubos na ba ang lahing ito? O baka naman mas mahirap ang buhay ngayon at dala ng pangangailangan, kailangang maging korap ang mga tao? Tsk, tsk! Nagtatanong lang po!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended