Maliban sa ama niya na kinukunsinti siya, may karapatan namang magyabang si Bong Villafuerte bunga na rin sa suporta ni Camarines Sur Gov. Raymond Villafuerte. Kung bulgaran na ang jueteng sa Camarines Sur ang gagawing basehan, nangangahulugan lang na tiyope si governor kay Bong Villafuerte nga. Pero pasasaan man at tiyak may lulutang at lulutang rin para sawatain itong kabastusan ni Bong Villafuerte, di ba mga suki? Pero tiyak, hindi yon si Col. Mapalo ang provincial director ng PNP sa Camarines Sur dahil wala rin siyang binatbat lalo na kung ang jueteng ni Bong Villafuerte ang pag-uusapan, di ba mga suki?
Kaya lang may nasilayan akong pag-asa sa paghirang kay Chief Supt. Ricardo Padilla bilang hepe ng PRO5 sa Bicol. Ang balitang kumakalat sa Camp Crame, hindi pa kinakausap ni Padilla si Bong Villafuerte bunga umano sa kagaspangan niya. Kung brusko ang dating ni Bong Villafuerte sa Bicol bunga sa kapit niya sa pulitika at kay Col. Mapalo, ganun na rin si Padilla na sagradong bata naman ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Si Padilla na kaya ang kasagutan para suwetuhin si Bong Villafuerte? Anong sey nyo mga suki ko diyan sa Bicol?
Para sa kaalaman ni Padilla ang taga-bigay ng lingguhang intelihensiya ni Bong Villafuerte kahit sa anong sangay ng gobyerno ay si Hermie Herrera. At ang mga daily kubransa ng jueteng ni Bong Villafuerte ay P80,000 sa bayan ng Cabusao; Canaman P160,000; Cainza P60,000; San Fernando P170,000; Bonbon P70,000; Naga P310,000; Pili P140,000; Ocampo P100,000; Goa P90,000; Tinambac P80,000; Baao P90,000; Nabua P70,000; Iriga P150,000; Balatan P70,000; Sipulot P60,000; Libmanan P70,000; Camaligan P90,000; Pamplona P100,000; Calabanga P90,000; Magarao P80,000; Milaor P110,000; Minalabac P90,000; Tigaon P80,000; Lagonoy P100,000; Caramoan P70,000; Bula P90,000; Bato P60,000, at Buhi P80,000. Abangan!