^

PSN Opinyon

Kuwestiyunin kung saan galing ang gagastusin ng kandidato

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SA bansang ito ay maraming mahirap at piling-pili lamang ang nakaririwasa ang buhay. Ang mga nakaririwasa ay ‘yung mga pulitiko at mga nakaupo sa magagandang posisyon o di-kaya naman ay yung mga humahawak ng mga makapangyarihang tungkulin sa pamahalaan.

Kaya hindi na nakagugulat kung bakit maraming gustong kumandidato – gusto kasi nilang yumaman agad. Pero kailangang mangapital ang gustong kumandidato.

Sa mga gustong manalo para konsehal, daan-daang libong piso ang kakailanganin. Milyun-milyong piso naman kung gustong manalo para mayor o governor. Sa pagka-senador naman ay kailangang gumastos ng P500 milyon hanggang isang bilyong piso. Bilyun-bilyong piso naman ang lalaspagin ng mga kakandidato sa pagka-presidente o bise-presidente.

Ang nakapagtataka ay kung bakit walang kumukuwestiyon sa mga kandidato? Ipinagmamalaki pa ng mga kandidato ang kanilang ginagastos. At wala namang masabi ang mga militanteng grupo sa mga kandidato. Kung sa halip na sa kalsada mag-rally ang mga militante ay bakit hindi sa bahay ng mga kandidatong malaki kung gumastos? Sa bakod ng bahay ng kandidato mag-spray o isulat ang IBAGSAK ANG CORRUPT.

At ang BIR o Ombudsman ay hindi naman kaya nagtataka kung saan nanggaling ang ginastos ng mga kandidato? Hindi naman kalakihan ang suweldo ng mga senador at iba pang opisyal ng gobyerno.

Taumbayan ang dapat sisihin sa nangyayaring ito. Nagagawang gaguhin ng mga kandidato ang kahit sino sapagkat wala namang nagrereklamo.

Dapat nang baguhin ang ugali at maging responsableng mamamayan ang bawat isa. Piliin ang mga karapat-dapat na maglilingkod sa taumbayan. Itakwil ang mga oportunista lalung-lalo na ang mga nagtataguyod sa political dynasties. Simulan ang pagbabago sa Mayo 14, 2007.

vuukle comment

BILYUN

DAPAT

IPINAGMAMALAKI

ITAKWIL

KANDIDATO

KAYA

KUNG

MILYUN

NAGAGAWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with