^

PSN Opinyon

Economic crimes

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
(Part 2)
BATID ni Department of Finance Secretary Gary Teves ang nangyayaring kababalaghan sa Bureau of Customs kaya nga closely monitong ang kanyang tanggapan. Sabi nga, abot din ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaya naman isinusulong ni DILG Secretary Ronnie Puno ang PNP-CIDG para mag-monitor sa lahat ng mga gagong economic saboteurs.

Gusto kasi ni Puno na kumandidato este mali dagdagan pala ang trabaho ng CIDG regarding economic crimes partikular ang smuggling. Malaking perwisyo ito sa madlang people!

Ang mga maliliit na empleado ay nagbabayad ng tamang buwis kada 15th at 30th ng buwan wala silang lusot sa payment pero ang mga bigtime smugglers ay halos walang binabayaran sa kanilang mga shipments.

Nabuko ng isang association ang pagpasok ng mga container vans sa Pinas na may lulang ceramics. Ayon sa kanila dapat ang ibinayad sa gobyerno ay P50 million pero nang bukalkalin P200,000 lang ang payment. Sabi nga, 4 percent lang ang yad-ba!

Ngayon sa pier sumisigaw ang mga kamote na sana tanggalin ang Task Force Anti-Smuggling Group porke matindi raw silang tumara.

Ika nga, manghingi!

Palagay ko totoo bakit hindi sila magreklamo sa tamang venue.

Bakit hindi nila bitagin ang mga taong nanghihingi sa kanila para makalabas ang kanilang mga shipment? Bakit pala sila nagbibigay? Tiyak may problema ang kanilang kargamento kaya ganoon!

Siguro dapat gawin ng gobyerno patiktikan din ang mga padrino ng mga smugglers para isama rin sila sa kalaboso.

Ang mga ito kasi ang lumulutang sa mga officials sa Bureau of Customs para arburin ang nahuling kargamento. Siyempre may money involved todits?

Lulutang ba naman ang isang gago na walang maasahan ang kanyang bulsa.

Isang dapat tiktikan ng todo ng gobyerno ang isang Teddy sugarol, sinasabing overstaying CIIS man diyan sa bureau.

Ito ang patong sa smugglers at bagman ng kanyang mga bugok na amo diyan sa BOC.

‘‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod na isyu maraming ikukuwento si bossing, kamote.’’

AYON

BAKIT

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF KUWAGO

DEPARTMENT OF FINANCE SECRETARY GARY TEVES

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SABI

SECRETARY RONNIE PUNO

TASK FORCE ANTI-SMUGGLING GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with