^

PSN Opinyon

P1-trilyon budget gamitin nang maayos

- Al G. Pedroche -
WALA tayong tutol sa dambuhalang budget kahit pa taumbayan ang kaltasan sa pamamagitan ng karagdagang buwis. Ang gusto lang ni Juan dela Cruz ay gamitin ito ng maayos para ang buwis na pinipiga sa kanya ay maibalik sa pamamagitan ng maayos na serbisyo.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, umabot na sa isang trilyong piso ang pambansang badyet. Dapat sana’y matagal nang naisabatas ito pero inipit ng hidwaang pampulitika.

Ipinasa na ng Kongreso ang P1.126 trilyong pambansang badyet para sa taong piskal na ibinitin sa mahabang panahon ng political grandstanding ng mga katunggali sa politika ni Presidente Arroyo. Hindi man dapat ay nangyari na iyan at di na puwedeng burahin ang naganap. Ang importante’y aprobado na at hindi na kailangang gamitin ang lumang budget na kapos para sa mga bagong programa ng pamahalaan.

Isa lang ang wish natin. Harinawang mai-deliver na nang maayos ang lahat ng serbisyong kailangan ng mamamayan. Tulad ng nasabi ko, hindi dapat tutulan ang pagpapataw ng dagdag na buwis basta’t nauuwi ito sa maganda at maayos na serbisyo sa taumbayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang mga basic services ay talagang nahadlangan ng sobrang pulitika na pumaralisa sa administrasyong ibig patalsikin ng mga kumakalaban dito.

Nitong darating na halalan sa Mayo, piliin ang mga taong dapat iluklok sa puwesto. Yung mga inaakala nating makakapagpabuti sa kalakaran ng bansa. Hindi yung iboboto natin sila, tapos sa bandang huli’y sisigaw tayo ng "PALITAN!" Ang dapat sigurong palitan ay ang ating ugali. Matuto na tayong magsuri ng mga kandidato na ilalagay natin sa puwesto imbes na boboto tayo on the basis of patronage o dahil nagawan tayo ng pabor ng isang pulitiko.

CRUZ

DAPAT

HARINAWANG

IPINASA

ISA

KONGRESO

MATUTO

NITONG

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with