^

PSN Opinyon

Economic crimes! - Part 1

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA February 24, 2007, sa ganap na alas-3:00 ng hapon magkakaroon ng isang Public Installation sa mga officials ng Capitol City Lodge 174 Year 2007 sa Convention Hall ng Bureau of Soils and Water Management sa Department of Agriculture sa Elliptical Road corner Visayas Avenue, Diliman, Quezon City.

Si Ariel D. Fronda ang siyang tatanghaling hari, este mali, Worshipful Master ng loya, SW Vic Montanes, JW Manuel Romero Jr., Secretary VW Saf Vinarao, Treasurer WB Rodrigo Macatangay Jr., Auditor WB Resty Navarro, Chaplain Jesus Tolosa, Marshal Percival Pineda, SD Jose Asley Dee, JD Edgardo Goli, Orator Rene Concha, Almoner Manolo Cenido, Lecturer Ronald Cortez, Historian Eranio Cedillo, SS Luthmyr Teoxon at JS Jerome dela Cruz.

Si VW Mawi Lazaro ang installing officer samantalang si retired Major General Manuel Cacanando, dating Commanding General ng Philippine Army ang guest speaker.

God Bless mga Kuya!

Ang isyu, gusto pala ni DILG Secretary Ronnie Puno na idagdag ang economic crimes sa hotraba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group para malipol ang mga kamoteng economic saboteurs.

Isa ang smuggling sa economic crimes na ibig tutukan nang husto ng CIDG porke dumarami ang gustong magpalubog sa income ng government of the Philippines my Philippines.

Masyado nang malaki ang ulo ng mga smugglers sa ngayon porke matitindi ang mga padrino nito. Ika nga, pangalanan mo, ihaharap ko!

Marami kasi ang nakapatong sa mga smugglers na mga kamote na lumulutang kapag nahuli ang epektos ng kanilang mga kliyente. Ika nga, mga medya-medyahan ang mga sumasangga. Sabi nga, broker sila.

Tinitiktikan ng intel community ang trabaho ng mga patong sa smugglers isa sa mga araw na ito may masasampolan ayaw pa nilang ihayag kung no-si. Ika nga, secret muna! Malapit na silang maghimas ng rehas.

Isang agent U-2-10 si Teddy sugarol, overstaying na ito sa Customs Intelligence and Investigation Service siya ang contact man ng mga economic saboteur sa bureau kaya malayang nakakapuslit ang epektos nila sa pier dahil sa pitsang ibinibigay sa una.

Ika nga, ang kamote ang unang makakalawit ng anti-smuggling ask, este mali, task force pala. He-he-he!

Si Teddy sugarol ang tumutuwid ng mga baluktot na trabaho sa pier. Ika nga, siya ang taga-hati, taga-bigay at taga-suhol sa mga bugok na officials sa bureau para malayang makalabas ang mga shipments na dehins na iniiksamin.

Anim ang sinasabing dummy consignee na pinagsususpetsahan sangkot daw sa smuggling sa pier ang Aust-Phil. Aluminum International, Europrince Philippines Corporation, Glotomertz Corporation, Melody Technology Co., Ltd., MGU Enterprises at Y’Llor Enterprises?

Kung totoo man ang sinasabi regarding sa mga ito, dapat sigurong tiktikan nang todo ng CIDG, OCOM, Task Force Anti-Smuggling, DoF, NBI at ng ISAFP ang kanilang mga parating. Sabi nga, 100% examination.

"Kapos ang espasyo ng Chief Kuwago," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Next issue na lang kamote!"

Abangan.

ALMONER MANOLO CENIDO

ALUMINUM INTERNATIONAL

BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT

CAPITOL CITY LODGE

CHAPLAIN JESUS TOLOSA

CHIEF KUWAGO

COMMANDING GENERAL

CONVENTION HALL

IKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with