^

PSN Opinyon

Walang magagaling na kandidato sa 2007 election!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SA mga nakikita kong kakandidato sa pagka-senador sa darating na eleksyon, wala akong nakikitang kahit isa na maitutulad sa mga naging senador noon na gaya nina Recto, Laurel, Tañada, Diokno, Tolentino, Primicias at Sumulong. Sila yung mga senador na ang inuuna ay ang kapakanan ng mamamayan.

Ngayon ang mga kandidato ay pawang payaso at ang ilan ay nambubutas lamang ng silya sa senado. Walang inaatupag kundi mamulitika at magpalipat-lipat ng partido. Mayroong ang hilig ay magpatawag ng imbestigasyon ng kani-kanilang komite "in aid of legislation" kuno. Inuubos ang kanilang oras sa walang katorya-toryang "privilege speeches" na pawang paninira sa kanilang kalaban sa pulitika na wala namang basehan.

Tiyak na mga despalenghado na naman ang mga kakandidato sa mga local na posisyon at ganoon din sa pagka-senador. Nakalulungkot sapagkat walang ipinag-iba ang tipo ng mga tatakbo. Ngayon ay bastusan pa ang nangyayari. Sa Senado ay gusto na yatang punuin ng mga magkakamag-anak, mag-ina, magkapatid.

Sayang na naman ang pera ng taumbayan sa darating na eleksyon. Wala rin namang naitutulong na buti para gumanda ang takbo ng bansa dahil bulok ang mga kandidato. Ang natutuwa lamang sa pagkakaroon ng eleksiyon ay ang mga kandidato sapagkat kapag nanalo at makaupo ay makapangungurakot sila. Natutuwa rin ang iba dahil panibagong termino na naman ang hahawakan nila.

DIOKNO

INUUBOS

MAYROONG

NAKALULUNGKOT

NATUTUWA

NGAYON

PRIMICIAS

SA SENADO

SAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with