^

PSN Opinyon

Problema sa pangalan

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NATANGGAP ko ang sulat ni Mr. Ramon P. Uy at ang problema niya ay ang tungkol sa paggamit ng kanyang surname or middle name.

Nauna nang isinabatas ng Kongreso noong 2001 ang RA 9048, ang batas na nag-simplify sa proseso ng pagpapalit ng pangalan subalit ang mas binibigyang pansin nito ay ang problemang may kinalaman sa first name at nickname na pinakapalasak at mga "clerical or typographical error" sa mga personal at opisyal na record ng mga indibidwal na nakalagak sa civil registrar.

Sa totoo lang, magastos at nakaaabala ang proseso ng pagwawasto sa mga pagkakamali sa mga official record kaya nga isinabatas ang RA 9048.

Sa kaso naman ni Mr. Uy at ang aking nakikita ay pag-amyenda rito upang matugunan naman ang puntong kanyang sinasabi, isang prosesong medyo may katagalan din.

Magkaganito man Mr. Uy, ay nagbigay na ako ng instruction sa aking legal staff upang silipin ang bagay na ito. Pakihintay na lamang ang resulta.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o sumulat sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ANG DOKTORA NG MASA

KONGRESO

MAAARI

MAGKAGANITO

MR. RAMON P

MR. UY

NAUNA

PASAY CITY

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with