Barangay election
January 28, 2007 | 12:00am
Salamat, salamat at tuloy din yata
ang mga eleksyong pangarap ng madla;
Kung hindi matuloy maraming kawawa
na mga botanteng halalan ang nasa!
Senators, congressmen at mga alkalde
ang mga posisyon na mababakante;
Pero sa balitay waring nahuhuli
barangay eleksyong gusto nang marami!
Mga nakaupong chairman ng barangay
ayon sa maramiy dapat nang palitan;
Hindi naman lahat pero karamihan
walang ginagawa kundi magpayaman!
May mga barangay na ang mga lider
iniisip lamang ay sweldo at per diem;
Hindi mo malaman kanilang assignment
At ang barangay hall ay laging madilim!
May mga barangay na napakarumi
ni walang janitor doong nakapirmi;
Ang mga kagawad ay wala parati
kapag may problemay walang umasiste!
May barangay tanod - isa o dalawa
pagsapit ng gabi ay nawawala pa;
Kapag may humanap - nagrerekurida
pero ang totooy nasa inuman pala!
Sila kung tawagin ay "barangay tagay"
kaharap ay alak sa gabi at araw;
At kung may problema sa buong barangay
wala kang makita isa mang opisyal!
Kaya tiyak nating sa sitwasyong ito
barangay election ang hingi ng tao;
At kung hindi bulag ang nasa palasyo
halalang barangay tiyakin na ninyo!
Huwag ninyong pakinggan mga naghahangad
na palugitan pa masamang palakad;
Dahil sa kapitan na ang tiyay bundat
tayo at ang bansa ay hindi uunlad!
ang mga eleksyong pangarap ng madla;
Kung hindi matuloy maraming kawawa
na mga botanteng halalan ang nasa!
Senators, congressmen at mga alkalde
ang mga posisyon na mababakante;
Pero sa balitay waring nahuhuli
barangay eleksyong gusto nang marami!
Mga nakaupong chairman ng barangay
ayon sa maramiy dapat nang palitan;
Hindi naman lahat pero karamihan
walang ginagawa kundi magpayaman!
May mga barangay na ang mga lider
iniisip lamang ay sweldo at per diem;
Hindi mo malaman kanilang assignment
At ang barangay hall ay laging madilim!
May mga barangay na napakarumi
ni walang janitor doong nakapirmi;
Ang mga kagawad ay wala parati
kapag may problemay walang umasiste!
May barangay tanod - isa o dalawa
pagsapit ng gabi ay nawawala pa;
Kapag may humanap - nagrerekurida
pero ang totooy nasa inuman pala!
Sila kung tawagin ay "barangay tagay"
kaharap ay alak sa gabi at araw;
At kung may problema sa buong barangay
wala kang makita isa mang opisyal!
Kaya tiyak nating sa sitwasyong ito
barangay election ang hingi ng tao;
At kung hindi bulag ang nasa palasyo
halalang barangay tiyakin na ninyo!
Huwag ninyong pakinggan mga naghahangad
na palugitan pa masamang palakad;
Dahil sa kapitan na ang tiyay bundat
tayo at ang bansa ay hindi uunlad!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended